Bulag na finalist ng Tawag ng Tanghalan Season 1, di pa nakukuha ang consolation prize na P100,000?

by PEP Troika
Aug 28, 2018

JERRY OLEA: Nadurog ang puso ni Paul Ballano, direktor ng stage plays, nang masilayan ang kalagayan ni Carl Malone Montecido nitong Agosto 26, Linggo sa Bacolod City.

Si Carl ay ang bulag na grand finalist ng Season 1 ng Tawag ng Tanghalan (TNT) sa It's Showtime.


Walang sariling bahay si Carl.

Nakikitira sila ng kanyang ina sa barong-barong na itinirik sa bakod ng isang taga-Bacolod na nagngangalang Lyndon Tupas.

Noong Marso 11, 2017 pa ginanap ang grand finals ng unang season ng TNT, at nasa ikatlong season na ang paligsahan, pero hindi pa nakokolekta ni Carl ang consolation prize niyang P100,000.

Ang dahilan—BIR at mga resibo.

“Pambihira naman, mga kapatid sa industriya!” talak ni Direk Paul sa Facebook nitong Agosto 27, Lunes, na ipinagdiriwang ang National Heroes Day.

“BULAG yung tao!!! Paano niya magagawa ang mga dokumentong kailangan? Tayo ngang nakakakita, hirap mag-ayos, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You should have given him an assistance.”


Sabi pa ni Direk Paul nang mag-PM kami, “Ang tagal na niyang nagpa-follow up!”

Ang huling inawit ni Carl sa Tawag ng Tanghalan ay "Pananagutan."

NOEL FERRER: Sana naman ay maibigay na ang kaukulang premyo sa TNT contestant na nangngailangan.

Still on Tawag Ng Tanghalan, meron namang mga mabubuting mga tao na tumutulong sa mga nangangailangang contestant.

Isa na rito si Alvin Cinco na ang sabi’y since birth, mayroon na siyang cataract sa kanyang left eye.

Dahil sa kanyang kapansanan din sa mata, naka-identify si Kuya Randy Santiago sa pinagdaanan ng contestant na iyon.

Kaya after 29 years, hindi makapaniwala si Alvin na tutulungan siyang maipagamot ni Randy.

Pinagpapala ang mga ganyang may mabubuting tumutulong sa kapwa na nangangailangan.

GORGY RULA: Naiintindihan ko naman na mayroon talagang ganung proseso sa ABS-CBN na kailangang sundin.

Pero meron naman konsiderasyon kung talagang kailangan, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana makarating ang kuwentong ito sa It's Showtime para maaksyunan naman nila agad.

Tiyak namang pagbibigyan nila ito, bilang kapamilya naman nila ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results