Archie Alemania, engaged na kay Gee Canlas; Liezel Garcia ng PDA, engaged na rin

NOEL FERRER: Bukod kay Sheena Halili at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeron Manzanero, mayroon pang dalawang showbiz couples na engaged na rin.

Sa bagong post ng dancer-turned-actor na si Archie Alemania, sinabi niyang “And She said YES”—pertaining to his girlfriend, ang actress-TV host na si Gee Canlas, with matching pakita ng kanyang engagement ring.

She said YES!!!

A post shared by Archie Alemania (@archiealemania) on

Sagot naman ni Gee sa kanyang Instagram account, "Of course I said YES!! Can't wait to share how he proposed but for now I go to bed knowing one thing... I get to keep my funny man forever. I love you @archiealemania!!! And...the ring is gorgeous."

Isa pang bagong engaged ay ang na-link noon kay Bugoy Drilon at kasamahan nito sa Pinoy Dream Academy na si Liezel Garcia.

Nasa Puerto Galera si Liezel at ang foreigner boyfriend niyang si Justin nang ipakita ni Liezel ang kanyang engagement ring.

Baby I really don’t know how to start this post, coz I feel like I’m still dreaming at this moment.. �?��?�???�?��? ugh! I can’t believe I will have this precious moment..�??? I thought I’ll be alone in my life..but here’s God, never fails to surprise me and love me! �???�??��???�??� He gave me this wonderful gift - an amazing man in my life! �?��?�?��? I am thankful and blessed! Baby, thank you for loving me and choosing me..thank you for always making me feel beautiful even if I say I’m not..�?��?�?��? thank you for all your encouraging words and support in everything that I do..thank you for loving me and being faithful and loyal even while being in a long distance relationship..�?��?�?��? thank you for everything bear.. �???�??? and YES, I love you much Justin! Can’t wait baby! �???�??? #engaged #always

A post shared by Liezel Garcia (@liezelgarcia) on

Is this really the time of coupling, meaning, engagements and marriages? Ano ang masasabi ninyo?

May kilala ba kayong susunod pa, Tito Jerry at Gorgy?

JERRY OLEA: Si Archie Alemania ay dating naugnay kay Mickey Ferriols.

Ang payo ni Kuya Kim Atienza kay Archie, pakasal na agad at baka umatras pa si Gee.

Oh Em Gee!!! Ha! Ha! Ha!

May kilala akong bikini model at long-haired showbiz personality na nag-honeymoon na, pero walang planong pakasal.

GORGY RULA: Sunud-sunod ang nagpu-propose, pati ang nabubuntis.

Ito kaya ang positibong epekto ng ghost month at Mercury & Neptune retrograde?

Pero ang mga napabalitang nag-propose ay yung mga di mo inaasahan at parang keber naman ang karamihan, di ba?

Ang inaabangan talaga ay ang proposal ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola, at ang kay Dennis Trillo kay Jennylyn Mercado.

Iyan ang abangan natin.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN