Interview ni Sarah Geronimo sa GGV, pinigilang umere ni Mommy Divine?

JERRY OLEA: Naaliw ako sa “Mama Ogs Answers...” post ni Ogie Diaz sa Facebook nitong Agosto 28, Martes ng madaling-araw.

Ang 2nd question: “Mama Ogs, bakit po hindi in-air yung guesting nina Sarah Geronimo at James Reid sa Gandang Gabi, Vice?”


Ang tugon: “According to my source kung paniniwalaan ko, eh nag-react si Mommy Divine sa mga sagot ni Sarah sa mga intriguing questions ni Vice Ganda.

“Tulad sa ‘Guilty Or Not Guilty?’ segment ng GGV, sa tanong ni Vice na, ‘Nakapanood ka na ba ng porn?’

“Pilyang ngiti daw ang naging reaction ni Sarah tapos sinagot niya ito ng, ‘Yes, pero yung sa anime lang.’

“Pati daw yung kung was there a time na na-experience niyang matulog na may lalaking katabi at ilan pang naughty questions na pinati-trim nang pinati-trim ni Mommy Divine hanggang sa parang wala nang natitirang laman yung episode, kaya minabuti na lang na 'wag na itong iere.

“At kung kilala ko si Vice, feeling ko, ‘no more next time’ na siya sa mga ganitong eksena para makaiwas na din sa trouble at sa gastos.

“Paano kaya 'yon, ‘no? Di ipinalabas, so ano ‘yon?

“Pinaabono sa Viva ang cost of production? Hintay tayo ng sagot mula sa mga inampalan. Baka mali din ang dinig ko.”

GORGY RULA: Nagtataka ako sa kuwentong iyan.

Bakit hinayaan ng ABS-CBN at ng Viva na magmando at makialam si Mommy Divine sa promo ng Miss Granny?

Ang buong akala ko kasi, magmula nung nagsolo na si Sarah, limitado na ang pakikialam ni Mommy Divine.

May say pa rin pala ang mommy niya sa career nito, at hindi ang Viva lang.

Abangan na lang natin sa social media itong interbyung ito ni Vice Ganda kay Sarah. Sana makalusot.

NOEL FERRER: Sarah is of age para harapin ang mga ganung adult issues.

Marami naman tayong mga mommy-gers pero hindi umabot sa ganito sina Mommy Ligaya Salonga ni Lea Salonga, Mommy Pinty nina Toni at Alex Gonzaga, at maging si Mommy Pia Magalona nina Elmo at Maxene.

May angking wisdom at malasakit at goodwill ang mga nabanggit kong mommies. Mayroon din naman sigurong ganun si Mommy Divine, in fairness.

Hindi kaya nila alam na may audience namang nakapanood ng taping na yun, at lalabas at lalabas din ang mga naganap sa taping?

Sayang daw ang magandang usapan nina Vice Ganda at Sarah Geronimo tungkol sa depression.

Pinagdaanan ito ni Vice kamakailan. At si Sarah, magandang malaman kung ano ang pinagdaanan niya at tuluyan nang naiyak sa concert niya abroad, di ba?

At sinabi raw talaga ni Sarah sa interview na gusto at handa na siyang magpakasal. Pero ang catch, hindi pa naman nagpu-propose si Matteo Guidicelli.

Sayang. Napakaganda sanang interview na maiintindihan at kapupulutan pa sana ng magandang aral ng mga tao at tagasuporta ni Sarah.

At sayang talaga ang pagkakataong makapag-promo pa si Sarah ng kanilang pelikula kung gusto nilang ma-hit ang target nilang PHP200M gross.

Hayyyy, sayang!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN