Ogie Alcasid, unang nakahula na mabubuntis si Rochelle Pangilinan

by PEP Troika
Aug 29, 2018

GORGY RULA: Alam niyo bang ang unang nakahula na mabubuntis si Rochelle Pangilinan ay si Ogie Alcasid?

Hindi alam ng dancer-actress na may gift of prophecy pala si Ogie dahil daw sa Holy Spirit.


Kuwento ni Rochelle, dumalo sila ng mister niyang si Arthur Solinap sa opening ng restaurant ni Ogie noong June, at doon daw siya hinulaan ng singer-comedian na malapit na siyang mabuntis.

Sabi ng Kapuso actress nang nakausap namin sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, August 28, “Pareho po kasi kaming Christian, 'tapos tiningnan niya ako.

Continue reading below ↓

"Lumapit siya sa akin, bilang ninong ko siya sa kasal, sila ni Ate Reg [Regine Velasquez].

“'Tapos sabi niya, 'Mabubuntis ka daw sabi ng Holy Spirit.' Mga June 14 yun.

“Sabi niya sa akin, 'Balitaan mo nga ako kung mabubuntis ka.'

“Ganun pala si Kuya Ogie, nalalaman niya.

"Kasi yung Holy Spirit talaga... grabe yung connection niya sa Holy Spirit."

Kaya nang nakumpirmang buntis siya, si Ogie raw ang unang tinawagan ni Rochelle para ipaalam ang magandang balita.

Nagulat din daw ang singer-songwriter.

Gusto naman daw nina Rochelle at Arthur na magkaroon ng baby, pero hindi raw nila akalaing ngayong taon na ito mangyayari.

Kaya medyo ingat daw si Rochelle ngayon kahit may regular show siyang Onanay.

Wala naman siyang pinaglilhiang pagkain, pero ang napapansin lang daw niya ay ang takaw niya sa tulog.

JERRY OLEA: Congrats sa mag-asawang Rochelle at Arthur!

Biyaya ito ng Panginoon sa kanilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Maligaya ang aming gorgeous friend para sa kanilang panganay, na bongga ang mamanahin!

God bless!

NOEL FERRER: Again, any child is a blessing, so congratulations kina Rochelle at Arthur sa biyayang ito.

Sino kaya ang susunod na mahuhulaan ni Ogie ng kanyang mahiwagang koneksiyon with the Holy Spirit?

Aabangan natin iyan!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results