Rita Daniela, umiyak nang makuha ang role bilang pokpok sa My Special Tatay

by PEP Troika
Aug 29, 2018

JERRY OLEA: “Inabuso” ni Audrey (Rita Daniela) ang pagkalalaki ni Boyet (Ken Chan) sa special drama series na My Special Tatay, na mag-uumpisa sa Setyembre 3, Lunes ng hapon, sa GMA-7.

Sa istorya, magkababata ang dalawa. Naging pokpok si Audrey.

Si Boyet, may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder (in short, medyo abnoy).


Continue reading below ↓

Lahad ni Rita nang mainterbyu ng PEP Troika sa mediacon ng My Special Tatay nitong Agosto 28, Martes ng gabi, sa 17th Floor ng GMA Network, “When I got the role... I cried.

“Iba kasi siya, e. Bida-kontrabida si Audrey.

"Sobrang challenging! Papahirapan talaga ni Audrey ang buhay ni Boyet.

"Pero... ayokong magsabi ng iba pang details, pero sobrang... abangan niyo na lang kung paanong tatakbo ang istorya nilang dalawa.

“But Audrey kasi... dakilang pokpok siya, e! Hindi niya ikinakahiyang pokpok siya.

“Kasi, doon siya nabubuhay, e. Nakakapag-provide siya sa family niya, sa sarili niya, dahil sa trabaho niya na yun.

“Lahat, gagawin niya, para mabuhay. Lahat, gagawin niya, para sa pera.”

Nahirapan ba siyang gumanap na pokpok?

“Sobra po,” mabining tugon ni Rita. “Yes. Mahirap. Kasi... una, wala akong kaibigang ganun.

“So, hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung paano ba talaga sila gumalaw...

Continue reading below ↓

“Wala talaga akong peg. As much as possible, I want her to be as raw as... si Audrey talaga.

“Pag napanood siya ng mga tao, iisipin, si Audrey talaga!

"Hindi siya parang si ganito! Hindi si ganyan, na bida-kontrabida. Si Audrey talaga!"


NOEL FERRER: Well, mahusay ngang gumanap bilang pokpok kung gayun si Rita Daniela.

Continue reading below ↓

In fairness, good reviews siya sa Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag at sa musical ng Eto Na! Musikal nAPO.

Sana lang hindi siya ma-typecast sa pagpo-pokpok at pagiging bad girl, which she does so well talaga!

At si Ken Chan? Alam ko minamahal siya talaga ni Tito Gorgy!

GORGY RULA: Mabait naman kasi si Ken Chan.

Pero alam niyo bang nakita ko mismo kung paano kinulit-kulit ng isang magaling na aktor itong si Rita?

Halatang di kumportable si Rita nang hinihingi na ang number niya.

Pero magaling naman siyang mag-handle sa ganung sitwasyon at natapos ang kulitan nila.

Aminado kasi yung magaling na aktor na nabighani siya sa ganda ni Rita.

Sabi ko nga sa kanya, "Grabe ka! Nakakairita naman iyang ganda mong iyan, Rita!"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results