GORGY RULA: Nakorner ng PEP Troika ang SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Madam Lilybeth Rasonable sa presscon ng Top 12 ng The Clash sa GMA-7 kagabi, August 29.
Wala siyang definite na sagot tungkol sa sitsit na paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN.
Ang sabi lang niya, hangga’t wala pang official announcement mula sa GMA-7 o kahit sa kampo ni Regine, pawang haka-haka pa lamang ito.
Ani Ma’am LGR, “Nag-usap na kami. Pero siguro habang wala pang ina-announce officially, either from the network or from Regine, those are all just hearsay or speculation.
“So… yun, as I’ve said, habang walang ina-announce, nothing is confirmed.”
Wala pa siyang ibinibigay na detalye tungkol sa kontrata ni Regine.
Pero pagkatapos daw ng The Clash ay nakatakdang umalis pa-Amerika ang Asia’s Songbird dahil sa kanyang US concert tour.
Abangan na lang siguro natin pagbalik.
Samantala, magagaling at walang itulak-kabigin talaga sa naiwang Top 12 contenders ng The Clash kaya sayang kung hindi sila mabibigyan ng break pagkatapos ng naturang singing competition.
Kaya tinanong namin si Ma’am Lilybeth kung posible bang magkaroon sila ng musical show para magamit itong magagaling na clashers.
“Very possible,” mabilis niyang sagot sa amin.
NOEL FERRER: Dapat lang na sana’y may paglagyan ang mga nadi-discover na ito sa talent shows, kasi baka maging parang TV5 artists na naglipatan din pagkatapos ng Artista Academy, di ba?
Pero teka, sana wala ring clash of interest na staff members mismo na nagpu-push ng mga manok na contestants, ha.
Baka kasi maisyuhan ng favoritism ito, di ba, mga ka-Troika?
JERRY OLEA: Bulung-bulungan na sa Oktubre ay Kapamilya na si Songbird.
Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata!