Bruno Gabriel, na-demote from bida to kontrabida?

JERRY OLEA: Matapos magbida ang tambalan nina Bruno Gabriel at Ayra Mariano sa Kapuso morning series na Ang Forever Ko’y Ikaw, kontrabida ang papel ng young actor sa special series na My Special Tatay.


Feeling ba ni Bruno, bumaba ang ano niya?

“Bumaba ba talaga?! I don’t think so!” nakangiting bulalas ng young actor sa media con ng My Special Tatay nitong Agosto 28, Martes ng gabi, sa GMA Network Center.

Parang... na-demote?

“No! Not really!” pag-iling ni Bruno.

“I’m actually very excited with this project because the story of this is very relevant.

“In my eyes, all actors are equal. So, kung lead siya, then, lead siya. Kung hindi, then, hindi.”

So far ay wala pang nakukunang eksena nila ni Ken Chan (title role) sa naturang Kapuso drama series na mag-uumpisa sa Setyembre 3, Lunes ng hapon.

“Not yet, pero I am very excited. Kasi, isa siya sa mga actors na hinahangaan ko,” sambit ni Bruno.

“I look up to him. Like I’ve seen him working before, man... this guy is really good!

“And now I’m working with him. I’m very thrilled!”

Mas gusto ba niyang makilala bilang solo actor at hindi bahagi ng love team?

“Yeah, I think so,” tugon ni Bruno.

“Ahhh... importante kasi yung... it’s more for flexibility.... I see myself working with Ayra again.

“Pero at the same time, if I were to work with someone else, if she would work with someone else, it’s OK!”

GORGY RULA: Hindi naman kasi umepek ang tandem nila ni Ayra.

Totoo bang di talaga type ni Bruno ang pa love team na drama?

Mas bagay kasi sa kanya ang kontrabida roles. Mas mahahasa pa ang acting niya.

NOEL FERRER: Ang balita ko ay medyo prangka at playful sumagot itong si Bruno sa mga itinatanong sa kanya.

Tingnan natin kung may chemistry sila ni Ken Chan para lumabas na maganda ang kanilang banggaan sa bagong teleserye.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN