Vice Mayor Janella Ejercito, di apektado sa pagtakbo ni James Yap sa San Juan

by PEP Troika
Aug 31, 2018

GORGY RULA: Ipinagkibit-balikat lamang ni San Juan Vice Mayor Janella Ejercito ang kuwentong tatakbo rin si James Yap sa kanilang lungsod sa ilalim ng makakalaban nilang partido.



Ang unang napabalita ay tatakbo raw si James bilang vice mayor ng makakalaban ni Janella sa pagka-alkalde sa darating na 2019 mid-term elections.

Pero ang pagkakaalam ni Janella, konsehal na ang tatakbuhan ng kilalang basketolista. Hindi lang daw niya alam kung ano pa ang susunod niitong plano.

Hindi naman daw siya apektado sa pagkontra ni James sa kanilang partido dahil hindi naman sila magkaibigan. Hindi katulad ni Kris Aquino, dating asawa ni James, na ka-close at ninang pa niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad daw na nagpahayag si Kris ng suporta para kay Janella.

Hindi nga lang daw ito malakasama sa pangangampanya dahil magkakaroon ng conflict sa mga endorsement ng Ninang Kris niya.

Ilang beses daw silang nagkakausap ng kanyang ninang at sinasabi ni Kris na sasama ito sa isa sa mga project ng San Juan vice mayor.

“Lagi kaming nagti-text ni Ninang, full support naman daw siya sa akin,” pakli ni Janella.

Posibleng makasama niya si Kris, at baka kasama pa si Bimby, sa isa sa mga medical mission niya sa San Juan.

“Pupunta nga daw sila sa office, e.

“Magdu-donate sila ng mga gamot kasi kaka-open ko lang ng Botika ni Janella, so libreng gamot para sa mga taga-San Juan,” nakangiting pahayag ni Janella.

Sinundan namin ng tanong na paano niya haharapin kung sakaling magkaroon ng intriga na sa kanya susuporta ang mag-inang Kris at Bimby, at hindi kay James.

“Hindi naman po siguro,” malumanay na sagot ni Janella sa PEP Troika nang nakausap namin siya sa pa-lunch ng ama niyang si dating Senator Jinggoy Estrada sa ilang kaibigang movie press na ginanap sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, QC, noong Miyerkules. August 29.

JERRY OLEA: Matagal-tagal pa ang eleksyon pero pabugsu-bugsong nagpapahiwatig ang political season.

May mga nabubuong alyansa, at may mga relasyong nababasag kundi man nagkakalamat.

Sanay na tayo sa mga ganyang scenario.

NOEL FERRER: I long for the time na ang mga pagpipilian ng mga taong mamumuno sa kanila ay walang kahalong pera o impluwensiya ng pagiging popular ang apelyido.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana panibagong serbisyong Pilipino ang pagpipilian natin. Good luck na lang....

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results