Pepe Herrera, nilinaw ang napabalitang pagma-migrate niya sa New Zealand

by PEP Troika
Aug 31, 2018

GORGY RULA: Nilinaw ng komedyante at stage actor na si Pepe Herrera ang napabalita noong magma-migrate na raw siya sa ibang bansa kaya pinatay na ang karakter niyang si Benny sa FPJ's Ang Probinsyano.

Pahayag ng aktor sa presscon ng pelikula nila ni Ritz Azul, ang The Hopeful Romantic ng Regal Entertainment, Inc. kahapon, August 30, maayos siyang nagpaalam kay Coco Martin.


Nagkasakit siya at kinailangang magpahinga muna sa kanyang pinsan sa New Zealand. May asthmatic lungs daw siya.

Sabi ni Pepe, “Gusto ko pong i-clarify yung sinasabi ng iba… wala po akong balak mag-migrate. Gusto ko po ang Pilipinas.

“Sa ngayon, mahal na mahal ko po ang Pilipinas. Kasi hindi ko naman po masasabi kung ano yung takbo ng utak ko in the future.”

Dagdag niya, “Mainly po because of health reasons. Nagkataon lang po na nagkaroon po ako ng karamdaman sa later part ng 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkaroon po kami ng mga series na pag-uusap ni Coco at saka ni Sir Deo [Endrinal], 'tapos hanggang po sa nag-arrive kami sa isang desisyon na makakabuti para sa lahat.

"Thankful lang po ako na it’s really Coco’s decision yung final scene ko na mag-end sa ganun.

“Sabi po niya, 'Sayang naman kung mapupunta sa wala yung binuo nating character.'

"Kaya siya po yung nag-decide na maging heroic siya dun. Kaya malaki po ang pasasalamat ko talaga kay Coco."

Na-miss na nga raw niyang makatrabaho uli si Coco, kaya umaasa siyang matuloy siya sa isang proyekto ng aktor.

Ayaw lang niyang kumpirmahin kung ito ba yung MMFF entry nina Coco, Vic Sotto, at Maine Mendoza na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Masaya naman si Pepe dahil nag-level up siya from support, pa-sidekick-sidekick, into lead actor sa pelikulang The Hopeful Romantic na magsu-showing sa September 12.

JERRY OLEA: Ay! Pinalitan na pala ang title ng Regal movie nina Pepe Herrera at Ritz Azul!

The Hopeless Romantic dati ang title nito, di ba?!

Siyempre, ayaw ni Mother Lily Monteverde na “hopeless” ang dating nito sa takilya.

Ayan, na-refresh tuloy ako na meron na palang movie na Para Sa Hopeless Romantic (2015) na tinampukan nina James Reid, Nadine Lustre, Iñigo Pascual, at Julia Barretto.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil namamayagpag ang rom-com drama na The Hows Of Us, good luck na lang sa mga kasunod na local movies na magsu-showing—Goyo at Petmalu sa Setyembre 5; Wander Bra at The Hopeful Romantic sa Setyembre 12.

“Hope springs eternal in the human breast,” 'ika nga ni Alexander Pope sa An Essay on Man (1734).

NOEL FERRER: This is quite an experiment on the part of Regal. Good luck!

I hope maayos ang kuwento at ang storytelling para naman worth it ang bagong risk na ito nina Roselle at Mother Lily Monteverde.

Ang objective ba nila ay maging bagong Kita Kita?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results