The Hows of Us ng KathNiel, phenomenal ang box-office success

by PEP Troika
Sep 1, 2018

JERRY OLEA: Naka-PHP116.94M na ang phenomenal movie na The Hows Of Us sa loob ng tatlong araw, ayon sa Star Cinema:

PHP35.94M (Agosto 29, Miyerkules)

PHP34.82M (Agosto 30, Huwebes)

PHP46.19M (Agosto 31, Biyernes)

Bonggacious ang word-of-mouth sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


More & more ang block screenings!

Continue reading below ↓

Ngayong weekend ay inaasahang mas malakas ito, dahil bagong suweldo ang mga tao!

Ganyan ang phenomenal movie!

Iyong ibang movies ay kung anu-ano ang hanash at kuda, na kesyo ang ganda-ganda pero ano ka?! Eklay-eklay lang pala!

Itong THOU ng KathNiel, tunay ang pakilig! Ang drama, hindi pilit!

NOEL FERRER: The KathNiel loveteam once more proved that they are the love team of their generation!

The good thing with THOU, hindi lang KathNiel fans ang nakaka-appreciate kundi pati na ang ibang viewers across social, economic backgrounds.

Kahit nga hindi maka-KathNiel at maging si Tito Jerry nga, touched at kilig din sa mga eksena.

Kudos to the production really for striking a chord sa Pinoy audiences and for bringing them back to the theaters.

Sana, sana tuluy-tuloy na ito.

Sa tingin mo, masus-ustain ito sa Goyo, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Wala naman yatang bulto na fans si Paulo Avelino. Kaya medyo takot ako diyan.

Continue reading below ↓

Malaking bagay pa rin talaga na merong grupo ng fans na todo ang suporta sa artistang bida ng isang pelikula.

Tingnan nyo ang Miss Granny. Sa pag-iikot ko sa ilang sinehan sa SM North EDSA, marami pa ring nanonood sa Miss Granny, at tuwang tuwa sila kay Sarah Geronimo.

Ako, nakatulog saglit.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results