Horror film ni Garie Concepcion, nag-premiere na pero di pa rin naipapalabas sa sinehan

by PEP Troika
Sep 1, 2018

JERRY OLEA: Nakakatakot ang sinapit ng indie horror na The Lease.

Nag-premiere night ang nasabing movie nina Garie Concepcion at Ruben Maria Soriquez, pero naudlot ang pagpapalabas nito noong Hulyo 25.


Sabi ni Garie, “next month” (Agosto 2018) na lang ipapalabas ang kanyang launching movie na “dream come true” para sa kanya.

Continue reading below ↓

Ngayon ay BER month na—Setyembre 1, Sabado.

Hindi pa rin naipapalabas ang naturang pelikula. (Que horror! Que horror!)

“Nightmare come true” ba ito sa career ni Garie, o blessing in disguise?

Baka mas mabuti na maging Halloween presentation ito, di ba?

NOEL FERRER: Nakakatakot nga ang mga susunod na releases after the KathNiel film.

Either mag-spill over sila dun or deadma sila altogether.

Again, ang tanong ng mga manonood na Pinoy: worth ba ang pelikula sa napakamahal na admission price?

Iyan ang dapat sagutin ni Garie Concepcion.

GORGY RULA: Minsan, sa pag-iikot ko sa Barangay Palanan habang pinapasyal ko mga doggies ko, nakita ko ang poster ng The Lease na nakapaskil sa isang poste.

Hindi ko na sinipat nang husto kung producer din ba tong si Ruben Maria Soriquez. Hindi ko po kasi siya kilala.

May iba kasing mayayaman na may anak o kapamilya nilang gustong mag-artista, namumuhunan sila na ipag-produce ng pelikula para makilala sa showbiz.

Continue reading below ↓

Kaagad silang naniniwala na kapag may PHP2 million o less pa, makakagawa ka na ng isang pelikula.

Pero dapat din sana nilang malaman na hindi lang yun.

Mamumuhunan ka rin ng PHP2M o baka higit pa para sa promo ng pelikula.

Sayang lang kasi na pagkatapos ng pelikula, makikipagbuno ka pa sa distribution nito gawa ng di napu-promote at di naman kilala ang mga artista.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Garie Concepcion
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results