Angeline Quinto, dumanas ng maraming hirap bago narating ang tagumpay

by PEP Troika
Sep 2, 2018

GORGY RULA: Naging emotional si Angeline Quinto nang muling napag-usapan ang mga hirap na pinagdaanan niya bago narating ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Nangyari ito kahapon, August 31, sa mini-presscon ng concert na Limitless: Empowered Women, Empower Women, kung saan makakasama niya sina Kyla, Rhada, Liezel Garcia, at Jayda Avanzado.


Continue reading below ↓

(L-R) Kyla, Jayda Avanzado, Rhada, Liezel Garcia, and Angeline Quinto

Bilang babae, hindi raw madali kay Angeline ang mga pinagdaanan niya bago siya nag-champion sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar (2010-2011) nung 20 years old pa lamang siya.

Mayroon daw audition na napulaan ang katawan niya dahil medyo mataba raw siya noon.

Mayroong nagsasabing natalo siya ni Sarah Geronimo sa Star For A Night (2002-2003) kaya napanghinaan na raw siya ng loob, at sinabi niyang huling sali na niya ang Star Power na mabuti’t naging champion naman siya.

Napagtanto raw ni Angeline na kailangan niyang pagdaanan ang ganung hirap bago siya umangat at marating ang tagumpay na tinatamasa niya sa ngayon.

Maluha-luhang pahayag ni Angeline, “Siguro dapat kong marinig yun, mapagdaanan yun.

"Kasi napatunayan ko sa sarili ko na hangga’t alam mo sa sarili mo kung ano yung gusto mong marating, kung ano yung gusto mong ipakita sa mga tao, basta buo yung puso mo para dun, hindi posibleng ibigay ng Diyos yun.

“Sa tinagal-tagal ng panahon na inantay ko nun na, sabi ko, kailan kaya darating yung panahon na sinasabi kong champion naman ako?

Continue reading below ↓

"So 20 years old po ako, ibinigay ng Diyos sa akin yun.

"So, na-realize ko lahat nung nanalo ako, sabi ko, siguro dinaanan ko lahat yun kasi ito yung panahon na ibinigay Niya sa akin."


Kaya ang gusto niyang iparating sa mga kabataan ngayon na naghahangad marating din ang narating niya, “Sana kung marami sa mga kabataan man po na nararanasan ngayon, ang dali-dali kasing maririnig sa ibang tao na masasakit na salita, 'tapos ang daling mawalan ng pag-asa ang iba.

Continue reading below ↓

"Mahirap yun, e. Kaya siguro kailangan nating maging matibay talaga.

"Wala naman siguro kasing ibang tutulong kundi tayo."

Ang Limitless concert nina Angeline ay Iprinodyus ng Outbox Media Powerhouse Corporation at mapapanood ito sa September 7 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

JERRY OLEA: Good luck sa pagsasanib-puwersa ng empowered singers na ito.

Sana’y hindi limited ang market nila.

Mas interesado ako kay Moira de la Torre kesa sa kanila.

NOEL FERRER: Nagkaroon ng Diva version last year with some of the cast members here with KZ Tandingan, Yeng Constantino, at dapat Rachelle Ann Go na hindi na nakasali sa kanila.

Kahit medyo seryoso ang theme ng empowered women across batches ngayon, I’m sure they will have fun.

At sana ay may bagong concert audiences na madagdag sa ganitong combination.

Sana maging level up version ito—pasulong at hindi paurong! Game!!!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Angeline Quinto
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results