Christian Bautista at Kat Ramnani, mauuna ang kasal sa Bali, Indonesia bago sa Pilipinas

by PEP Troika
Sep 2, 2018

NOEL FERRER: Hindi inaasahan, pero hindi naman itinanggi ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista na ikakasal siya sa Disyembre sa kanyang kasintahang si Kat Ramrani, una muna sa Indonesia (kung saan siya sikat na sikat) at pagkatapos ay magkakaroon din ng seremonya dito sa Pinas.


Continue reading below ↓

Naipahayag ito sa programa nating Level Up Showbiz Saturdate sa DZIQ 990khz AM.

Nabunyag ito nang mag-congratulatory message sa kanya ang kaibigang si Mark Bautista, na isa sa mga naimbitahang lumipad sa Bali at dumalo ng kanyang wedding.

“Simple lang with family and friends, very short ceremony, good food and good view,” sabi ni Christian tungkol sa kanyang kasal.

Hindi raw nila planong magkaanak agad ni Kat. Ie-enjoy raw muna nila ang kanilang pagiging couple, and kids (isa or dalawa) may come after two years.

Masaya kami kay Christian na nananatiling isang malapit na kaibigan simula nang magkasama kami sa Star In A Million, kung saan ako nag-headwriter.

Congratulations, Ian and Kat! Advanced best wishes!

JERRY OLEA: Nakaka-good vibes ang pagpapakasal ni Christian!

Sana’y makabuo agad sila ng anak ni Kat.

Magandang lahi na, talented pa!

Cheers!

GORGY RULA: Magkakaroon naman daw sila ng selebrasyon sa Pilipinas para sa mga hindi makakadalo sa seremonya sa Bali.

Continue reading below ↓

Mabuti at open na si Christian na pag-usapan ang wedding plans.

Pero pagdating sa isyu ni Regine Velasquez na kasama niya sa The Clash, tumanggi siyang magbigay ng komento.

Sabi pa ni Christian, kapag ma-confirm na raw ni Regine ang tungkol sa paglipat sa Kapamilya network, dun na lang siya magku-congratulate.

Talagang iku-congratulate niya kung itutuloy ni Regine ang paglipat ng network?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results