Jason Abalos, tinanggal sa Goyo dahil sa video scandal?

by PEP Troika
Sep 2, 2018

NOEL FERRER: Habang paparami nang paparami ang mga sinehang pinagpapalabasan ng The Hows Of Us, kinakabahan ako at umaasang sana ay may matira pang audience sa historical movie na Goyo, na magsu-showing na sa September 5.

Ngayong ipapalabas na ang Goyo, ano kaya ang feeling ng aktor na si Jason Abalos?


Continue reading below ↓

Nakapag-shoot na si Jason para sa isang importanteng role sa pelikula na inilabas pa sa isang short film preview noon.

Ayon sa mga balita, inalis diumano si Jason sa Goyo nang lumabas ang kanyang video scandal at pinalitan siya ng ibang aktor.

May morality clause ba ang pelikula kaya’t natanggal si Jason?

Oo nga naman at prerogative ng producer ang final cast ng kahit na anong pelikula, lalo pa’t tungkol sa isang bayani ang pelikula.

Pero consistent naman kaya ito sa lahat ng cast? Harinawa.

JERRY OLEA: Anong malay natin, baka na kay Jason ang huling halakhak.

May pralala ang Goyo na kesyo ito ang "film event of the year."

E, sa bangis at bagsik ng The Hows of Us sa takilya, may agam-agam ako sa kahihinatnan ng pelikula ni Paulo Avelino, at ng kasabay nitong magsu-showing na Petmalu.

GORGY RULA: Sinubukan kong kontakin si Jason sa kanyang handler sa GMA Artist Center, ayaw pa raw niyang mag-comment sa ngayon.

Continue reading below ↓

Hindi nga raw sure ang handler kung alam na ba ito ni Jason.

Mas nagpu-focus muna ngayon si Jason sa bagong drama series niya sa GMA 7 na may working title na Karibal Ko Ang Aking Asawa.

Kakaiba ang role dito ni Jason na hindi ako sure kung naging transwoman siya sa takbo ng kuwento.

Basta nung nag-look text daw ito, sobrang ganda niya na parang nung kabataan ni Sandy Andolong. Yun na!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results