Maricel Soriano at mga kapatid, regular na dumadalaw sa puntod ng kanilang ina tuwing Linggo

by PEP Troika
Sep 2, 2018

GORGY RULA: Regular palang dinadalaw ni Maricel Soriano, kasama ang mga kapatid, ang puntod ng kanilang ina na si Mommy Linda sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Naikuwento sa amin ni Mel Martinez, bunsong kapatid ni Maricel, na tuwing Linggo ay nagkikita-kita silang magkakapatid sa Heritage.


Continue reading below ↓

Sa harap daw ng puntod ng kanilang ina, nagsusumbong sila ng mga nangyayari sa kanila sa loob ng isang linggo.

“Ganun kaming magkakapatid, may kanya-kanyang moments kami dun,” pakli ni Mel.

“Minsan magkasama kami. Minsan naman dun na lang kami nagkikita, kanya-kanyang punta doon.

"Minsan pagdating ko dun, ‘Bakit may maingay dun sa part ni Mommy?'

"Ay, nandun si Madam [Maricel], nagmumuwestra!” dagdag na kuwento ni Mel nang mag-guest ito sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung nakaraang Biyernes, August 31.

Aminado si Mel na lahat sila, lalo na si Maricel, ay talagang apektado sa pagkawala ng kanilang ina, na nakatuwaan nilang tawaging "Mommy Linda Carter."

“Nung nawala ang mommy namin, yun ang pinakamahirap na nangyari sa family namin.

“'Tapos nawala rin si Bobby [Camano], yung kinakapatid namin.

"When my mom died, after two years, nawala rin si Bobby.

“Hindi kami ready nung nawala si Mommy. Kahit kay Bobby, hindi rin kami ready.

Continue reading below ↓

"'Tapos si Tito Wyngard [Tracy, dating manager ni Maricel]... alam mo yung sunud-sunod?

"That took a toll on my sister," sabi ni Mel.

Kaya itong regular na pagdalaw sa kanilang ina ang masasabing nagbubuklod sa kanilang magkakapatid.

“Yung support namin sa bawat isa… yung tini-treasure namin na mga good memories with Mommy.

“Nung nawala si Mommy, alam mo, almost every day nandun kami sa Heritage.

“Si Mommy kasi merong diary. So, every day binabasa namin kung ano yung day one, ganito,” saad ni Mel.

Proud pang ikinuwento ni Mel na nakuha niya ang kasipagan ng kanyang ina.

Pagkatapos nga ng Ika-6 Na Utos, para hindi siya mabakante, binuo niya kasama ang mga kaibigan ang online bakery.

Ito ay ang Pan Famila, kung saan nagtitinda sila ng mga Pinoy na Pinoy na tinapay na puwede nilang i-deliver.

Puwede na raw umorder sa telepono 6601095 o 09173126545, minimum of PHP300 na order, kaagad nilang idi-deliver sa inyong lugar.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Si Mel talaga ang may business sense sa kanila.

Remember Kusina Ni Bunso, siya rin ang may pasimuno nun buhat nang kumuha siya ng culinary course.

Anyare na nga ba sa Kusina Ni Bunso?

Pagpapatotoo ito na sa pamilya nina Mel, Marya, at BecBec na the family that eats together, stays together. Hehehe!

Happy Sunday everyone!

JERRY OLEA: Sino pa ba ang magtutulungan at magdadamayan kundi ang magkakapamilya?

Blessed Sunday to us all!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Maricel Soriano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results