Troika Throwback: Remember Marcus Madrigal?

by PEP Troika
Sep 2, 2018

NOEL FERRER: Para sa ating Troika Throwback ngayong Linggo, September 2, we’ll catch up on Marcus Madrigal.


Nagbida siya na noon sa significant films like Pila Balde (1999), Sisa (1999), and more recently, Huling Cha-Cha Ni Anita (2013), and where he was recently cited by the Young Critics Circle, ang Malinak Ya Labi (2016).

Continue reading below ↓

Huling teleserye niya ang successful na Ika-6 na Utos ng GMA-7.

Last year, he finally got married sa wife niya at may 11-month-old baby na sila.

He is currently doing Rainbow’s Sunset directed by Joel Lamangan, starring Eddie Garcia, Gloria Romero, and Tony Mabesa. He plays husband to Aiko Melendez at may dalawang shooting days pa siyang natitira.

Naging chef din si Marcus sa UAE at ang day job niya ngayon ay related sa keto-packed meals under Munch Manila.

Nang maka-chat natin siya, willing na si Marcus to take on really challenging roles at handa siya talagang magpaka-daring at offbeat at talagang edgy.

Kayo, Tito Jerry and Gorgy, how do you know and remember Marcus Madrigal?

GORGY RULA: Ang naalala ko kay Marcus Madrigal ay nung alaga pa siya ng designer na si Bobby Yalong na nakabase na ngayon sa Amerika.

Ako ang nagpasok kay Harold Pineda sa Regal para maging leading man ni Ana Capri sa Pila Balde.

Continue reading below ↓


Si Harold ang unang pinili ni Direk Jeffrey Jeturian para maka-partner ni Ana. Kay Marcus ibinigay ang role ng mayamang manliligaw ng lead actress na ginampanan ni Ana.

Pero pagkatapos basahin ang script, ipinakiusap ni Tito Bobby na ibigay kay Marcus ang role na dapat kay Harold. Mas lead kasi yun.

Continue reading below ↓

Wala naman akong power para i-keep ang role na yun para kay Harold kaya tinanggap na lang namin ang mayamang role na major support naman kina Ana at Marcus.

Wala na akong ideya kung saan na ngayon si Harold. Pero alam ko, super-yaman na niya pagkatapos niyang kumita nang bonggang-bongga sa Japan.

JERRY OLEA: Napanood si Marcus ay sa simula at ending lang ng Kapuso drama series na Ika-6 Na Utos.

“Napahinga ako for kalahating taon yata,” pakli ni Marcus nang makatsika namin kamakailan sa storycon ng pelikulang Rainbow’s Sunset.

Enjoy siya sa day job bilang chef ng Munch Manila, isang kumpanya ng healthy food.

“We offer like... one week, or two weeks na mga program diet. Low carbs, mga ganyan,” aniya.

Hinahanap-hanap niya ang pag-aartista.

“Three years back, noong nasa Dubai ako, sumasagi lagi sa isip ko,” sambit ni Marcus.

Dalawa na ang anak ni Marcus. May anak siya sa pagka-binata.

Continue reading below ↓

“Thirteen na yun. Dalaga na,” napapangiti pa niyang lahad.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results