Rene Garcia ng '70s band na Hotdog, pumanaw na

by PEP Troika
Sep 3, 2018

NOEL FERRER. Sumakabilang-buhay na ang isa sa pillars ng Manila Sound na si Rene Garcia ng grupong Hotdog dahil sa cardiac arrest kahapon, September 2.

Siya ang may likha ng kantang “Manila,” among many other hit songs, na kilala sa buong mundo.


Ang mga unang nag-post ng messages na nasubaybayan ko ay sina Boy Katindig, Winston Baltazar, Kedy Sanchez, Tato Malay, at pati na si Moy Ortiz.

Continue reading below ↓

Ipinaabot natin ang ating pakikiramay sa kanyang naiwang pamilya at sa grupong Hotdog na rin.

GORGY RULA: Nakakalungkot din. Kasi ang laki talaga ng naiambag ng grupong Hotdog sa Manila sound.

Ang Manila Sound ang isa nagbigay sigla sa ating musika nung dekada '70, at ito talaga ang mga awiting ating-atin.

Ang Hotdog ang talagang maraming napasikat na mga awitin nung kainitan ng Manila sound.

Sino ba ang hindi natuwa sa mga awiting "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko," "Bongga Ka Day," "Annie Batungbakal," "Pers Lab," at marami pa?

Marami ring napasikat na mang-aawit ang grupong ito at ilan sa kanila ay sina Zsa Zsa Padilla at Odette Quesada.

JERRY OLEA: Condolence sa mga naulila ni Rene Garcia, 65, na pumanaw dahil sa cardiac arrest nitong Setyembre 2, Linggo nang 6:20 p.m.

Pumanaw man ang lead guitarist ng Hotdog, mananatiling buhay at bongga sa Pinoy music universe ang kanilang mga awitin!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results