Mga pelikula nina Katrina Halili at Pokwang, pasok sa ToFarm Film Festival 2018

by PEP Troika
Sep 3, 2018

JERRY OLEA: Anim na lamang ang official entries ng 3rd ToFarm Film festival, na gaganapin sa Setyembre 12-18.

Nag-back out ang Lola Igna at The Story of Leonard Co dahil hindi aabot ang mga ito sa deadline.

“Pasok sa banga” ang mga sumusunod...

1957 — historical drama na kinunan sa Iriga; tampok sina Ronwaldo Martin, Richard Quan, & Menggie Cobarrubias; written & directed by Hubert Tibi.


Continue reading below ↓

Ronwaldo Martin in 1957

Alimuom — futuristic sci-fi; tampok sina Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Kiko Matos, Elora Espano, & Dido de la Paz; written, edited & directed by Keith Sicat.


Mom Confiado, Ina Feleo, and Kiko Matos in Alimuom

Kauyagan — kinunan sa Mindanao, ang ibig sabihin ng title ay “way of life”; tampok sina Jefferson Bringas, Perry Dizon, & Bayang Barrios; written & directed by Julienne Ilagan.

Continue reading below ↓


Bayang Barrios in Kauyagan

Mga Anak ng Kamote — 2048 ang setting, kung saan bawal ang pagtatanim at pagkain ng kamote; tampok sina Katrina Halili, Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevara & Lui Manansala; idinirek ni Carlo Enciso Catu, mula sa panulat ni John Carlo Pacala.


Continue reading below ↓

Katrina Halili in Mga Anak ng Kamote

Sol Searching — tungkol sa isang guro-magsasaka na nategi; tampok sina Pokwang & Joey Marquez; written & directed by Roman Perez Jr.


Pokwang and Joey Marquez in Sol Searching

Tabanata’s Wife — base sa short story ni Sinal Hamada; bida sina Miyuki Kamimura & Maribeth Fanglayan; idinirek nina Charlson Ong & Lito Casaje, mula sa panulat ni Charlson Ong.

Continue reading below ↓


Maribeth Fanglayan and Miyuki Kamimura in Tabanata's Wife

Sa presscon ng pelikula nitong Setyembre 3, Lunes, sa Iago’s restaurant, Sct. Rallos St., QC, inihayag ng festival director na si Bibeth Orteza na opening film ng ToFarm 2018: A Tribute to Life ang Magnifico ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Continue reading below ↓

Ipapalabas ito sa Setyembre 10 sa Novotel Manila, Araneta Center, Cubao, QC.

Ang awards para sa short films ay tinaguriang Direk Maryo Awards.

Ang entries ng 3rd ToFarm ay ipapalabas sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1, Gateway, Gaisano Davao, at Robinson’s Legaspi.

Ipapalabas ang 1957 sa Robinson’s Naga.

Ang awards night ay sa Setyembre 15 sa Makati Shangri-La.

GORGY RULA: Ngayong hapon ay magpipirmahan ng agreement sina ToFarm Chief Advocate Dr. Milagros How at FDCP Chairperson Liza Diño para sa naturang festival.

All-out ang suporta ng Film Development Council of the Philippines ngayong taon sa ToFarm Festival.

Ayon sa paliwanag ng festival directors na sina Bibeth Orteza at Joey Romero, hindi na muna idadaan sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang kalahok dahil nasa FDCP pa ito sa buong festival season.

Malaking tulong din ito sa producers dahil wala silang babayarang fees para ma-review ng MTRCB dahil ang FDCP muna ang magbibigay ng rating.

Continue reading below ↓

Pero kung ipalalabas ito pagkatapos ng festival, doon na dapat nila isumite for rating sa MTRCB.

NOEL FERRER: Magandang development iyan Tito Gorgy, ha. You mean, kapag festival film, puwede munang sa FDCP at hindi muna mag-MTRCB?

Diyan kasi nagkaproblema ang Balangiga: Howling Wilderness sa QCinema last year.

Sana ganyan na rin ang puwedeng agreement sa susunod pang local festivals, like QCinema at Cinema One Originals.

Ang tanong: puwede rin ba sa ganitong pribelehiyo ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries? Or do they presuppose na ang MMFF entries ay puro big productions lang (na, in reality, open sa lahat).

Magandang tingnan ang consistency ng pagpapatupad ng ganitong magandang rule.

Let us all support ToFarm and all the other film festivals that showcase good and breakthrough Filipino films.

JERRY OLEA: Magga-gala screening ang 1957 sa Setyembre 12, Miyerkules, ng 7:50 p.m. sa Trinoma.

“Gusto ng Sol Searching na gayahin ang 1957. If ever, puwede silang mag-gala ng 5:15 p.m. on September 12 sa Trinoma,” sabi ni Direk Joey Romero, managing director ng ToFarm 2018.

Continue reading below ↓

Depende siguro iyon sa availability ng bidang si Pokwang.

Ini-scrap ng Tanabata’s Wife ang planong mag-gala sa UP Film Center ng UP Diliman, QC.

Sa halip, ang gala screening nila ay sa September 12 din ng 2:40 p.m. sa Trinoma.

Wish ng ToFarm publicist na si Mell Navarro na mag-gala rin ang Alimuom sa September 12 ng 10:25 p.m. on the same venue.

Tuhog!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results