MMK nina Joross at Roxanne, tinalo sa ratings ang Magpakailanman ni Snooky

by PEP Troika
Sep 3, 2018

NOEL FERRER: Umubra ang pagiging lucky charm ni Joross Gamboa sa salpukang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN versus Magpakailanman ng GMA-7 last Saturday, September 1.

Tampok ang balik-tambalan nina Joross at Roxanne Guinoo sa MMK, at ang istorya naman ni Snooky Serna ang tampok sa Magpakailanman, kung saan ang aktres din ang gumanap sa sarili.


Continue reading below ↓

Ang joke namin sa talent naming si Joross, "Sulit ang pagpapaahit."

Ang bunga, panalo ang MMK episode ng JoRox sa parehong Kantar at AGB ratings.

Sa Kantar, nakakuha ng 26.8% ang MMK vs 15.1% ng Magpakailanman.

Sa AGB naman, 10.3% ang MMK at 9.9% naman ang Magpakailanman

In fairness, iba ang ipinakita nina Joross at Roxanne sa episode nila ng MMK. Hindi na sila basta nagpa-cute lang katulad ng dati.

Buhay na naman ang JoRox tandem at sana’y masundan pa after this successful MMK episode.

As for Joross, nag-work din ang kanyang pagka-lucky charm kay Direk Cathy Garcia-Molina dahil isang tawag lang sa kanya for a cameo ay nandun sila agad ni Ketchup Eusebio, na binagtas ang Tagaytay para sa location shoot ng KathNiel blockbuster movie na The Hows Of Us.

Dahil diyan, isinama ni Direk Cathy si Joross sa Sharon-Goma-Kathryn movie na Three Words To Forever.

JERRY OLEA: Congrats sa JoRox!

Continue reading below ↓

Nakakatuwa na tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng dakilang aktor, na sumabak na rin sa pagdidirek.

Masarap katsika si Joross. Marunong makisama.

We wish the best for him!

GORGY RULA: Nung Sabado rin pala nagsimula ang The Kids' Choice ng ABS-CBN bago ang MMK.

Mataas ang rating nitong 11.6%, at kahit paano lumaban din ang The Clash na may 11.4% percent, ayon sa AGB.

Maaring tumuluy-tuloy sa MMK ang mga nanood ng The Kids' Choice.

Ang isa pang nasagap kong kuwento, nag-subscribe na rin daw ngayon ang ABS-CBN sa AGB.

Akala ko ba masaya na sila sa Kantar? Bakit bumalik sila ngayon sa AGB?

Aware naman siguro sila na sa overall survey ng AGB, number one ang GMA-7, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results