Richard Quan, nag-walk out nang subukang tanungin tungkol sa video scandal

by PEP Troika
Sep 3, 2018

JERRY OLEA: Nag-walk out si Richard Quan sa interbyu namin sa kanya sa presscon ng 3rd ToFarm filmfest nitong Setyembre 3, Lunes ng hapon, sa Iago’s restaurant, Sct. Rallos St., QC.


Halos sampung minuto nang magiliw si Richard sa mga pagsagot sa mga tanong kaugnay sa entry niyang 1957, historical drama na kinunan sa Iriga City (hometown ng direktor na si Hubert Tibi).

Continue reading below ↓

Mag-ama ang papel nila rito ni Ronwaldo Martin, at enthusiastic si Richard sa pagkukuwento ng mga napag-alaman niya noong panahon ni Presidente Ramon Magsaysay.

Nabanggit pa ni Richard na silver (25th) anniversary niya sa showbiz this year, at sa unang pelikula niyang Saan Ka Man Naroroon (1993) ay isa ako sa mga unang nag-interbyu sa kanya.

Doon ko nai-segue ang tanong na sa tinagal-tagal niya sa showbiz, ano ang pinakamatinding intriga sa kanya?

Parang walang narinig si Richard, at sa halip ay nag-imbita na suportahan ang 1957 at iba pang entries sa ToFarm filmfest, at saka nakangiting nag-walk out.

Tawa ako nang tawa.

Takang-taka ang direktor kung bakit nag-walk out si Richard.

Ipinaliwanag ni Allan Diones na mayroon kasing isyu kay Richard tungkol sa video scandal nito.

Bago tuluyang umalis si Richard ay inurirat din ito ni Direk Ronald Rafer kaugnay sa isyu.

Halos bulungan sila.

Sabi ni Ronald later on, sumusunod si Richard sa payo na huwag magsalita ng kahit ano tungkol sa naturang isyu para may misteryo.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Ronald, “Tanong ko, ‘Malaki?’ Sagot niya, ‘Naman!’”

Ewan kung gawa-gawa lang iyon ni Ronald.

Siyempre, hindi ako na-offend sa pagwu-walk out ni Richard.

Love love love ko siya, mula noon hanggang ngayon, saan man siya naroroon!

Nakatakda ang gala screening ng 1957 sa Setyembre 12, Miyerkules ng 7:50 p.m., sa Trinoma, QC.

GORGY RULA: Mabait si Richard Quan at alam niyang mahal siya ng mga reporter.

Kaya kahit may drama siyang pa-walk out, hindi na natin ikao-offend yun. Naintindihan natin yun.

Hindi naman kasi keri ni Richard na harapin ang video scandal dahil hindi siya kagaya ng ibang aktor na kayang-kaya itong harapin at pag-usapan.

Sa edad at katayuan ngayon ni Richard, pati sa kanyang relihiyon, hindi na niya dapat harapin pa ang isyung iyun.

NOEL FERRER: At aliw naman ang pagkaka-walk out... patawa-tawa pa raw si Richard pati na ang mga kausap na reporters.

Ibang iba raw ito sa pagwu-walk out ni Bela Padilla sa reporters noon.

Continue reading below ↓

Ang nakakatawang tanong: “Malaki ba?”

Confirmed ba talagang mola, Tito Jerry? Hehehe!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Richard Quan
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results