Crazy Rich Asians, No. 1 pa rin sa North America; Heart Evangelista, kasama na sa Part 2?

by PEP Troika
Sep 4, 2018

JERRY OLEA: Crazy indeed! On its third weekend, nO. 1 pa rin sa takilya ng North America ang Crazy Rich Asians.

Bale tatlong magkakasunod na weekend na wagi sa box office ng US at Canada ang Hollywood movie na may cameo si Kris Aquino.


Tinatayang $28.3M ang four-day weekend gross (Agosto 31-Setyembre3) nito, kaya umabot na sa $117M ang domestic gross ng Crazy Rich Asians sa tatlong weekend.

Continue reading below ↓

Remember, ang production budget nito ay $30M.

Ang pumangalawa sa takilya ay The Meg, na more or less eh naka-$13.4M nitong Labor Day weekend (Biyernes hanggang Lunes).

Ayon sa Box Office Mojo, halos $20M na ang hinamig ng Crazy Rich Asians overseas sa 24 markets.

Pinakamalakas ito sa international market sa Australia ($5.4M), kasunod ang Singapore ($3.4M), Philippines ($2.8M), Malaysia ($1.4M), at Taiwan ($1.1M).

Sa Setyembre 14 pa ang opening nito sa United Kingdom.

GORGY RULA: Pinanood ko uli sa pangalawang beses ang pelikulang ito, at naaliw pa rin ako.

Lalo akong natuwa sa participation ni Kris Aquino.

Kaya naman pinag-uusapan na rin kung kasali pa rin ba si Kris sa part two nito?

May mga sitsit kasing isasama na raw si Heart Evangelista at sa Shanghai, China naman daw kukunan ang part two nito.

Abangan na lang natin.

NOEL FERRER: Naaliw man ako sa panonood nito, paglabas ng sine, ang tanong ko: ano ba ang ipinapakita nito tungkol sa mga Asianong tulad natin?

Continue reading below ↓

Nabagabag nga ako sa isang post na, "Crazy Rich Asians being watched by Crazy Poor Asians."

Ang tanong: Bakit? And for what? E, hindi naman iyan ang ating realidad?

Paminsan-minsan, pagkatapos maaliw, maganda ring tanungin, ano ang kinalaman nito sa atin?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, crazy rich asians
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results