StarStruck winner Klea Pineda, target masungkit ang Miss Universe Philippines crown

by PEP Troika
Sep 4, 2018

GORGY RULA: Nakipag-meeting na pala sa mga taga-Binibining Pilipinas ang StarStruck 6 Female Ultimate Survivor na si Klea Pineda.

Noon pa man ay sinasabi na ni Klea na gusto niya talagang sumali sa Binibining Pilipinas, at target niya ang korona ng Miss Universe Philippines.


“Gusto ko po talaga sumali sa Miss Universe. Kapag sumali po ako sa Binibini, gusto ko po talaga yung sa Ms. Universe,” pakli ni Klea sa presscon ng bagong Kapuso drama series na Ika-5 Utos kagabi, September 3.

Continue reading below ↓

Pero 19 years old pa lamang si Klea, at aminadong marami pa siyang dapat matutunan.

Kaya gusto niyang ngayon pa lang ay magsimula na siyang mag-training.

“Kaya nga po isa rin yun sa reasons kung bakit gusto ko, 21 or 22 years old ako sasali na ganung age.

“Kasi sa ngayon, wala pang masyadong life experience na pumapasok sa akin.

"Hindi pa po talaga ako nag-mature sa mga nangyayari sa life ko.

"Gusto ko ganung age po," pahayag niya.

Gusto raw sundan ni Klea ang yapak ni Miss Universe 2015 Pia Wurztbach, na kahit ilang beses pang sumali basta masungkit lang ang pinakaaasam niyang korona.

“Si Pia po kasi parang ipinakita niya po talaga sa Universe na deserved niya yung crown, na tama yung title sa kanya.

“Saka kahit apat, tatlo o dalawang beses ako sasali, okay lang po sa akin, basta makuha ko lang po ang title,” nakangiting pahayag ni Klea.

Continue reading below ↓

Kasama rin pala ni Klea sa Ika-5 Utos ang kasabay niyang nanalo sa StarStruck na si Migo Adecer.

Natutuwa raw sila ni Migo na naging bahagi sila ng bagong afternoon drama series na ito dahil marami silang natutunan sa senior stars na kasama nila; kagaya nina Jean Garcia, Tonton Gutierrez, at Gelli de Belen.

Sa September 10 na magsisimula ang Ika-5 Utos, na ipapalit sa matatapos nang Contessa.

NOEL FERRER: It’s good to be focused on your dream.

Kung kay Klea, ang gusto niya ay maging Miss Universe Philippines, claim it! Libre naman ang mangarap.

But more importantly, do something. Work towards your goal!

Tingnan natin kung mag-conspire ang universe para makuha niya ang inaasam na korona!

Good luck, Klea!

JERRY OLEA: Ayokong basagin ang pangarap ni Klea.

Hayaan nating mag-try and try ang binibini hanggang mapunta siya sa puwestong nararapat sa kanyang ganda.

Mabuhay!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results