Pamilya ni Dolphy, di na umaasang igagawad ang National Artist sa Comedy King

by PEP Troika
Sep 4, 2018

GORGY RULA: Hindi na iniisip ni Epy Quizon, pati ng mga kapatid niya, na igagawad ang National Artist sa kanilang yumaong ama, ang Hari ng Komedya na si Dolphy.


Nakakarating na rin daw sa kanila ang kuwentong hindi pa ibibigay sa kanilang ama ang National Artist, at ipinagkibit-balikat na lamang ito ng aktor.

Continue reading below ↓

Sabi ni Epy, ang mahalaga ay napasaya ng kanilang ama ang sambayanan at sapat na iyon sa kanilang pamilya.

“We don’t need the trophy.

“We need the people believing that our father was part of their culture. Okay na sa amin yun.

“Nalaman lang namin na napatawa sila ng tatay ko, that’s the biggest trophy,” sabi ni Epy sa press launch ng ToFram Film Festival kahapon, September 3.

Tampok si Epy sa pelikulang Alimuom; kasama sina Ina Feleo, Kiko Matos, at Mon Confiado.

Entry ito ni Keit Sicat na siyang nagsulat at nagdirek ng pelikula.

JERRY OLEA: Sa tamang panahon, mangyayari ang mangyayari.

Que sera, sera.

Huwag nating ipilit kung hilaw pa!

Basta, ang inaasam kong tanghaling National Artist ay sina Eddie Garcia, Ricky Lee, at Direk Maryo J. de los Reyes.

Sakaling kilalanin si Dolphy bilang Pambansang Alagad ng Sining, maluwag ko iyong tatanggapin.

NOEL FERRER: Tama naman ang attitude na iyan ni Epy.

Continue reading below ↓

Pero maganda ring makuha nila ang benefits ng isang National Artist, kasama ang yearly allocation ng isang artistic project tampok ang awardee.

Para sa mga nabubuhay pa, mayroon silang allowance from the government, medical support, at marami pang ibang benefits.

Ang maganda kay Epy, ipinagpapatuloy niya ang legacy ng daddy niya sa paggawa ng mahuhusay na pelikulang kakaiba.

Kasama nga siya rito sa sci-fi film na Alimuom, tapos rin siya ng historical epic na Goyo: Ang Batang Heneral.

Sana maraming tumangkilik ng naturang mga pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results