Kiko Matos, kinontak si Krista Miller nang makalabas ng kulungan

by PEP Troika
Sep 4, 2018

JERRY OLEA: Nakipag-communicate si Kiko Matos kay Krista Miller nang mabalitaan niyang nakalaya na ito sa kulungan.

Ani Kiko nang mainterbyu namin sa presscon ng 3rd ToFarm filmfest nitong Setyembre 3, Lunes, sa Iago’s restaurant, QC, “Masaya akong nakalabas siya... Noong napansin ko, nag-online siya sa Facebook, noong nakalaya siya, minessage ko siya.

“Kinumusta ko siya. She’s taking care of her baby. It’s the same thing with me—taking care of my baby.

“And hopefully, makabalik siya sa ano, sa takbo ng buhay niya.”


Continue reading below ↓

Noong Marso ipinanganak ang baby ni Kiko sa kanyang GF, na pinangalanan nilang Kika.

May balak na silang pakasal ng syota nila.

“Pero andaming kailangang mauna,” sansala ni Kiko.

“Career. 'Tapos, kakalipat lang namin ng bahay sa Antipolo. Gusto kong magtayo ng business.

“Papabinyagan pa yung bata. I think, if we are meant to be, one day we’ll get married.”

Nakatambal ni Kiko si Krista sa pelikulang Hukluban (2014), na idinirek ni Gil Portes.

Kasama si Kiko sa cast ng Alimuom at Mga Anak ng Kamote, dalawa sa anim na full-length entries ng ToFarm 2018 filmfest (Setyembre 12-18).

GORGY RULA: Mahirap kay Krista Miller na makabalik, at magpaka-active uli sa showbiz dahil sa pinagdaanan niya.


Continue reading below ↓

Sana may producer namang magtiwala uli sa kanya, basta natiyak lang na nagbago na talaga siya at iniwan na ang dating bisyo.

Mabuti naman ay kahit paano hindi siya kinalimutan ni Kiko, at sana mayroon siyang maitulong para makabalik ito.

Si Kiko naman, ngayong bumubuo na siya ng pamilya, sana tapos na rin ang gimmick nila ni Baron Geisler.

Napatunayan naman niya ang pagiging aktor sa mga nagawa niyang pelikula, pati ang short film niya nung nakaraang Cinemalaya.

Bukod sa Alimuom, na entry niya sa ToFarm Film Festival, mayroon pa siyang ibang ginagawa.

Kabilang nga sa siya sa episode ni Bryan Revilla sa pelikulang Tres na magsu-showing na sa October 3.

Nasilip ko ang action scene na ginawa nila ni Bryan, matindi yun at malamang isa yun sa pag-uusapan sa naturang pelikula.

NOEL FERRER: Tama ka, Tito Gorgy, medyo nega ang association ni Krista Miller.

Si Kiko, parang humataw sa pelikula ngayong indie season.

Continue reading below ↓

Meron siyang multiple Cinemalaya entries na napanood natin; 'tapos dalawa dito sa ToFarm.

Kasama pa siya sa Tres with the Revillas, and that documentary on media and him and Baron.

'Tapos meron pang Born Beautiful na nakaabang, with Martin del Rosario and Akihiro Blanco.

Aba’y kaysipag naman nitong alaga ni Mell Navarro! Parang manager niya rin lang. Kayod, kayod!!!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Kiko Matos
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results