Mr. World Philippines, nais iangat ang pagtingin sa male pageants sa Pilipinas

by PEP Troika
Sep 5, 2018

GORGY RULA: Pormal nang inilunsad ang Mr. World Philippines 2018 sa Resorts World Manila kahapon, September 4.

Ipinakilala na rin ang 16 na kandidato na maglalaban sa tatlong international male pageants: Mr. World 2019, Mr. Supranational, at Mr. Eco-Tourism.


Ayon sa national director ng Mr. World na si Arnold Vegafria, may dalawang international male competitions pa silang inaayos, pero hindi pa nila makumpirma sa ngayon.

Continue reading below ↓

Kaya yung tatlong titulo pa lang muna ang puwede nilang ma-commit.

Nagpahayag na rin si Arnold na gusto nilang i-elevate ang male pageants.

Aware naman daw tayo na iba talaga ang tingin ng karamihan sa male beauty pageants kung ikukumpara sa pambabaeng patimpalak.

Kaya marami pa ring mga kalalakihang nahihiyang sumali kahit may karapatan silang manalo.

Kaya sa Mr. World Philippines ngayong taon, iibahin daw nila ang pananaw ng mga tao sa ganitong patimpalak.

“Iba yung mentality ng iba when it comes to male pageant,” pakli ni Arnold.

“I want to clear that issue. I want to elevate the male pageant in this country.

"Because the other countries, the way they treat the male pageant is exactly the same how they staged the female pageant."

Ilan sa mga kandidatong nakitaan naming may potential at paborito na rin ng press na dumalo sa naturang launch ay ang dating Azkal player na si Marco Poli, ang half-Italian model na si Denver Hernandez, ang Economics student ng UP na si Abdullah Sharif Cheng, at ang taga-Dumaguete na graduate ng Political Science sa Siliman University na si Miguel de Castro.

Continue reading below ↓


(L-R) Miguel de Castro, Marco Poli, and Denver Hernandez

Kahit nag-aaral sila ay naisisingit din nila ang modelling at gusto rin daw nilang pasukin ang pag-aartista.

Kagaya ng mga nanalo sa Miss World, ang magiging winners ng Mr. World ay pipirma rin ng kontrata sa Regal Films bilang bahagi ng premyong mapapanalunan.

Continue reading below ↓

Sa September 15 ang finals na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, pero magkakaroon muna ng Talent Night sa September 8.

In-announce na rin ni Arnold na ang Mr. World 2018 ay gaganapin dito sa Pilipinas sa January 27, 2019.

JERRY OLEA: Level-up ang Mr. World Philippines, huh?!

Sa dami ng mga patimpalak, nawa’y magmarka ito sa diwa ng mga Pinoy.

NOEL FERRER: What will they represent? Paano nito iniiba ang standard sa isang lalaki? Ano nga ba ang sukatan ng tunay na lalaki?

Makakatulong kaya kung may mga tunay na lalaki na involved sa timpalak na ito, na hindi spill over lang sa female pageants para may angking kaibahan at uniqueness ang search?

Good luck!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Arnold Vegafria
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results