Jean Garcia, bilib sa katapangan ng anak na si Jennica

by PEP Troika
Sep 5, 2018

GORGY RULA: Ngayon lang nagkuwento si Jean Garcia sa PEP Troika tungkol sa panganganak ng anak niyang si Jennica Garcia.


Sa pamamagitan ng water birth iniluwal ni Jennica ang pangalawang baby nila ni Alwyn Uytingco noong June 25, 2018.

Bilib na bilib si Jean sa katapangan ni Jennica nang iniluwal ang baby nito sa isang kiddie pool.

Siya raw ang takot na takot kaya pinagbawalan siya ni Jennica na samahan ito sa panganganak. Nasa labas lang daw siya't naghihintay.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Jean, “Ang asawa lang niya at midwife saka yung magka-catch ng bata ang nandun.

“Ayaw niya nandun ako kasi mati-tense lang daw siya. Saka walang doktor, ha!”

Hindi raw maisip ni Jean kung paano na-handle yung ng mag-asawa dahil nung iniluwal ni Jennica ang baby, wala pa pala roon ang kanilang midwife.

“Heto ka pa, may kasama naman, pero yung midwife, late dumating.

“Nakapanganak na nung dumating yung midwife.

“Si Alwyn yung kumuha nung bata sa loob ng swimming pool,” lahad ni Jean nang nakatsikahan namin sa presscon ng bagong afternoon drama niyang Ika-5 Utos, na magsisimula na sa September 10.

Ang isa pang ikinatuwa ni Jean sa kanyang anak ay ang advocacy nito para sa first-time moms.

Bahagi si Jennica sa isang foundation na tinawag nilang Kalinga ni Nanay, kung saan nagtuturo sila sa first-time moms. Isa nga raw sa sumali rito ay si Kylie Padilla.

May mga workshop sila para sa first-time moms kung saan nagtuturo sila ng Pregnancy and Postpartum Care, Natural Infant Hygiene, Potty Training at pati sa pakikipaglaro sa mga bata.

Continue reading below ↓

"I tried explaining it the best way I know how but my child just won't listen!" Have you ever muttered these words? Because I did. Allow me to help you, so you can help your children RELAX with mindful activities and form healthy attachments. Learn about creative discipline, why it works and more in my "Bahay-bahayan, Tsikiting, Takbo" Workshop. Joining this workshop that is for parents with children whose age is between 0-7 years old will give you full access to our private group on Facebook. You will bring an extensive manual home with you while light snacks and refreshments will be provided for all the attendees at the venue. This workshop is made possible with @thegreencompany, @momenursingwear, @creativefruitsandveggies, @happypilldesserts and @theparentingemporium.

A post shared by Kalinga Ni Nanay (@jennicauytingco) on

“Di ba ang mga nanay ngayon, hands on talaga sila?

“Nabalik uli yung pagbi-breastfeed, di ba?” pakli ni Jean, na todo ang suporta sa lahat ng mga ginagawa ng mag-asawang Alwyn at Jennica Uytingco.

JERRY OLEA: Iba ang sustansiyang dulot ng gatas ng ina, kaya saludo ako sa mga nanay na nagpapasuso.

Magandang halimbawa ang mga artistang hands sa pag-aalaga ng kani-kanyang baby.

NOEL FERRER: Kayod kete kayod si Alwyn, at kasama pa si Mommy Jean sa The Hows Of Us, habang nagpapa-breastfeed si Jennica.

All good actors, maganda siguro na bukod sa kanilang domestic duties ay makita silang tatlo in a project soon.

Posible naman yun, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results