Robin Padilla, bantay-sarado kay Trillanes sa Senado

by PEP Troika
Sep 5, 2018

GORGY RULA: Dalawang araw na palang nakabantay si Robin Padilla sa labas ng Senate building.

Hinihintay raw niya ang paglabas ni Senator Antonio Trillanes at maaaring pag-aresto sa naturang senador.

Sabi niya sa ilang miyembro ng media na nagku-cover doon, araw-araw raw siyang magbabantay doon hanggang sa maaresto si Senator Trillanes.


Continue reading below ↓

Ini-report ko lang po ito kahit hindi ko gusto ang ginawa ni Robin.

Pero sariling laban niya iyan, kaya wala na akong masasabi pa diyan.

Ayoko nang husgahan lalo na't isyung pulitika iyan.

Komento lang ng ilang nandun, paano raw kaya kapag iba na ang presidente ng bansa, posible rin kayang bawiin ang pardon kay Binoe?

NOEL FERRER: Marami pang mga tao ang nabigyan ng amnesty, tulad na lang ng MMFF boss namin na si Danny Lim (na ngayo’y MMDA Chairman na under this administration).

Pero hindi naman nirer-ecall ang amnesty sa kanya.

Pagkatapos ni Senator Leila de Lima, Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, inakala ng marami na isa na namang babaeng kritiko ng gobyerno ang pupuntiryahin through a technicality—si Vice President Leni Robredo.

Pero mukhang itong si Senator Trillanes ang desididong tuluyan.

Panakot ba ito sa sambayanan?

JERRY OLEA: Ang mga debate sa relihiyon at pulitika ay walang katapusan.

Continue reading below ↓

Kani-kanya ng paniniwala at paninindigan.

Sino ang nakikinabang?

Ito ba’y para sa kabutihan ng nakararami?

Hahayaan na lang ba natin ang kasaysayan na humusga kung sino ang tama, at sino ang mali?

Kailan pa tayo matututo?

Kailan pa natin makakamit ang inaasam na kapayapaan at kaunlaran?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Robin Padilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results