Goyo deserving manalong best picture, best director, at best actor

by PEP Troika
Sep 6, 2018

JERRY OLEA: Nagustuhan ko ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na palabas na sa mga sinehan nitong Setyembre 5, Miyerkules.

Ang pelikulang ito’y dapat panoorin ng mga nagmamahal sa ating bansa, at nagmamalasakit sa pelikulang Pilipino.


Nagustuhan ko na mabagal ang paglalahad sa buhay at kamatayan ni Gregorio S. del Pilar.

Continue reading below ↓

Makabuluhan ang paglalarawan ng kanyang kagitingan at kahinaan, na nasa konteksto ng ating kasaysayan.

Nagustuhan ko ang tapang ng direktor, mga manunulat, at prodyuser sa paghahandog ng kuwentong salat sa kompromiso.

Hindi sila tahol lang nang tahol, kundi nangangagat.

Ipinamukha nila ang mga pagkukulang, paglapastangan at pagkakamali ng mga kinikilalang pinuno ng ating bayan.

Nagustuhan ko ang mga aspetong teknikal ng Goyo—kaylinaw ng tunog sa Dolby Atmos ng Gateway Cineplex.

Kayganda ng sinematograpiya at disenyong pamproduksyon—parang mga gumagalaw ng paintings ang mga eksena.

Nagustuhan ko ang akting ng mga pangunahing artista at mga sumuporta.

Lantay na damdamin ang ipinamalas nila sa mga ngiti at pagtuya, sa mga ngitngit at agam-agam, sa mga takot at paghahambog.

Nagustuhan ko ang musika, lalo na ang "Bato sa Buhangin."

Gustung-gusto ko ang eksenang napatay ang 24-anyos na heneral noong Disyembre 2, 1899 sa Tirad Pass sa Ilocos Sur.

Wala siyang hanash habang naghihingalo.

Kaya lang... wala bang nagkainteres sa salawal ng kanyang bangkay?

Continue reading below ↓

Dalangin ko na parangalang best actor si Paulo Avelino para sa Goyo, na pagpugayan si Jerrold Tarog bilang best director, at idambana ang pelikula bilang best picture.

NOEL FERRER: At 3 p.m. kahapon, ang pelikulang Goyo earned roughly PHP1.5 million. Ayon sa trend, kapag ganyan, aabot ng mga 5-6 million ang first day gross ng pelikula.

Sana mas marami pa ang manood ng pelikulang ito na talaga namang ginastusan at pinaghirapan ng mga manlilikha nito.

Sabi ko nga, napakatapang ng mga producers nito para sugalan at ihandog sa atin ang ganitong panoorin sa ganitong panahon.

Sana dumami pa ang manood nito sa mga darating na araw.

GORGY RULA: Sa estado ngayon ni Paulo Avelino bilang aktor, hindi na siya sana nagpapatol sa mga walang wawang basher.

Kasabay ng showing ng Goyo, saka naman niya sinagot ang isang basher nang-iinis lang naman sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results