Judy Ann Santos, magpapa-excuse sa taping para makapanood ng concert ni Sharon Cuneta

by PEP Troika
Sep 6, 2018

NOEL FERRER: Masayang binanggit sa akin ng Teleserye Queen Judy Ann Santos na nakabili na siya ng tickets para sa My 40 Years concert ng Megastar na si Sharon Cuneta.


Makikiusap nga raw siya sa mga namamahala ng kanyang teleseryeng Starla para i-excuse muna siya ng taping on that day (September 28, Friday) para makapanood ng milestone concert ng Ate Sharon niya.

Continue reading below ↓

"Siyempre naman, masaya ako at sinasabi nga ni Ate na ito ang pinakaimportanteng araw sa kanyang career, kaya susuporta ako sa anumang milestone sa buhay ni Ate ko," sabi ni Juday.

Samantala, hindi pa alam ni Juday kung kailan ipapalabas ang kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN, pero nakita na raw niya ang teaser.

Nakakatuwa, very inspiring, at feel-good daw ang Starla; bagay pang-Holiday season.

"Basta pinagaganda pa at may mga elementong pambata kaya binubusisi talaga. Nakakatuwa," sabi ng Young Superstar.

Naka-season break naman daw ang kanyang hit online show na Judy Ann’s Kichen, pero in the next few weeks ay magte-tape na naman sila ng bagong season.

Marami silang plano para sa lalong ikagaganda ng kanyang kinatutuwaang online show.

"Basta, chill lang lahat at masaya!" sabi ni Juday.

JERRY OLEA: Nakakatuwa ang "magkapatid" na nagsusuportahan sa isa’t isa all these years.

Magandang halimbawa ang pagkakaibigan nila, na hindi pang-showbiz lang!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Marami ang nagulat sa medyo kamahalang ticket ng concert ng Megastar. Dahil na rin kaya sa TRAIN law?

Pero kahit may kamahalan ito, ang bilis ng bentahan ng tickets. Maaga pa lang, pero almost sold out na raw ayon sa Ticketworld.

Totoo kayang may second night ang concert ni Sharon kung sakaling maubos ang tickets na ibinebenta?

Dito naman sa teleserye ni Jud Aann, si Raymart Santiago na raw ang makakasama niya.

Kung si Rayver Cruz ay lumipat sa GMA-7, si Raymart naman ang umalis at lumipat ng ABS-CBN?

Abangan na lang natin ang official announcement.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results