Marian Rivera, wagi pa rin ang alindog sa mga kalalakihan kahit may asawa na siya

by PEP Troika
Sep 6, 2018

GORGY RULA: Wagi pa rin talaga ang alindog ni Marian Rivera sa mga kalalakihan, lalo na sa mga hindi alam na may asawa na siya.



Marami ang nakapansin sa guwapong Thai model na kasama ng Kapuso Primetime Queen sa TV commercial ng produktong Canesten, na ini-launch sa Shangrila The Fort kanina, September 6.

Continue reading below ↓

Sa Thailand kasi sila nag-shoot ng commercial, dahil hindi lang sa Pilipinas ito ipalalabas, kundi pati sa Thailand at iba pang Asian countries.

Napangiti si Marian nang tinanong namin sa kanya ang tungkol sa guwapong model na kaeksena niya sa commercial na yun.

Nung una raw kasi ay ayaw maniwala ng Thai model na may asawa na siya’t anak.

"Sinasabi ko sa kanya, I’m married.

"Parang nag-stalk pa siya sa akin, tiningnan niya ang Instagram ko. Nakita niya.

"Tinanong niya, 'He’s your husband, your child?'

"'Oo nga ano,' ayaw maniwala sa akin," nakangiting kuwento ni Marian sa press launch ng naturang produkto.

Sa ngayon ay alagang-alaga ni Marian ang katawan dahil sa mga endorsement niya at para na rin sa kanyang kalusugan.

Pero nakahanda na rin siyang lumobo uli kung sakaling mabuntis siya sa magiging pangalawang baby nila ni Dingdong Dantes.

Gusto na rin daw niya talagang mabuntis dahil lagi raw itong request sa kanila ni Zia.

Continue reading below ↓

"Yun ang palagi niyang hiling pag birthday niya, e," pakli ni Marian.

Pero anytime ay handa raw siya at kapag makumpirma na, kaagad daw niyang ia-announce sa lahat.

"Mahirap pangunahan ang mga bagay bagay, e.

"Basta ako, very vocal naman ako, e. Never naman ako nagtago.

"Never ko naman ipinagkait sa mga taong nagmamahal sa akin.

"Definitely, kapag meron akong ia-announce, ia-announce ko iyan dahil proud ako diyan," sabi pa niya.

NOEL FERRER: Sana nga masundan na nina Marian at Dong si Zia.

It will always be good to have kids while the parents are young.

Kaya ba hinay-hinay lang sa TV si Marian at walang bagong teleserye para makabuo sila ng bagong baby?

Ipagdarasal natin iyan!

JERRY OLEA: Kumpirmado na ba ang pagsabak ni Dingdong sa eleksyon next year?!

Either party list ito o sa isang distrito ng QC!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results