The Hows of Us umabot na sa mahigit PHP400M ang kinita!

by PEP Troika
Sep 8, 2018

JERRY OLEA: Ayon sa ABS-CBN, Umabot na sa PHP404.7M ang kinita ng The Hows Of Us, as of September 7, Friday, 5:00 PM. Trending ang tsikang ito sa Twitter.

Itong THOU ang unang KathNiel movie na umabot sa PHP400M. It follows na ito ang pinakamalakas na pelikula ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Lumampas ito sa PHP400M on its 10th day of showing.

Ang pinakamabilis na naka-PHP400M ay ang MMFF official entry ni Vice Ganda na Gandarrapido: The Revengers Squad kung saan bida rin si Daniel, at may cameo si Kathryn.

Naka-PHP400M iyon on its 9th day.

Take note na itong THOU pa lang ang local movie na umabot sa PHP400M gross this year, kaya siya ang pinakamalakas na local movie, so far.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Todo na talaga ito, congratulations sa bumubuo ng The Hows Of Us, and sana mag-spill over ang audience sa mga pelikulang tulad ng GOYO (7.5M sa opening Day) at PETMALU na palabas na rin ngayon!

JERRY OLEA: Sold out ang KathNiel Live in Legazpi na gaganapin sa Setyembre 9, Linggo, ng 8 p.m. sa Albay Astrodome ng Legazpi City.

Kasama sa show si Darren Espanto, na gumanap bilang younger brother ni Kathryn sa THOU.

Ang halaga ng tiket sa palabas ng KathNiel sa Bicol ay PHP3,200 (VVIP), PHP2,800 (VIP), PHP1,200 (Gold) at PHP450 (General Admission).

Lunes, Setyembre 10, ang balik ng KathNiel sa Kamaynilaan, at didiretso sila sa opening ng 5th branch ng KathNails sa SM Southmall at 3 p.m.

GORGY RULA: Yes! Mukhang wala na ngang makakatalo sa boxoffice record ng The Hows of Us ng Kathniel, dahil nasa last quarter na tayo ng taon, mahirap na itong habulin.

Continue reading below ↓

Ang posibleng makakatalo diyan ang MMFF entry ni Vice Ganda. Pero madalas namang hindi si Vice ang tinatanghal na Box-office King dahil siya na rin kasi ang Queen.

Ang Phenomenal Box-office Star award ang madalas na binibigay sa kanya ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation.

Ewan ko naman bakit taun-taon na lang phenomenal award ang binibigay sa kanya? Phenomenal pa ba sa atin kung laging yun naman ang naitalang record sa box office?

Pero sa totoo lang, puwede na talaga nating ilaban sa Box-office King and Queen sina Daniel at Kathryn.

Tiyak na madadagdagan pa itong PHP400M plus na kinita ng THOU.

Pero Sir Jerry naman, hanggang dito na lang siguro ang box-office report natin sa pelikula nila. Wala naman tayong makukuhang kumisyon kung aabot pa ng isang bilyon ang kinita nito. Tama na po. Congratulations na! Kayo na!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results