Kayla Rivera, mahusay ang pagganap sa Side Show musical

by PEP Troika
Sep 8, 2018

NOEL FERRER: Napanood ko kagabi ang Side Show na produksyon ng Atlantis Productions ni Bobby Barreiro, Tony Tuviera at Bobby Garcia.

Directed by Steven Conde at musical direction by Farley Asuncion, maayos na nailahad ng musical ang buhay ng conjoined twins na ginampanan nina Gab Pangilinan at Kayla Rivera.

Continue reading below ↓
 IMAGE @this.iskayla on Instagram

Malakas din ang palakpakan sa pamangkin nating sa Arman Ferrer, at kasama rin ang anak ni Dulce na si David Ezra, si Marki Stroem at si Wency Cornejo.

The musical makes us learn what it means to embrace your uniqueness and shape your own destiny.

The show runs until September 23 sa RCBC Theater.

Nasa audience kagabi ang musical director ng Rak Of Aegis at Huling El Bimbo na si Myke Salomon na mukhang nagkabalikan na sila ni lead star na si Gab Pangilinan (na pamangkin ni Senator Kiko Pangilinan na nanood ng opening night).

Sabi rin ng ibang tao sa audience, may pagkakahawig si Kayla kay Carla Abellana.

Ganern?

GORGY RULA: Bumalik na pala dito si Kayla Rivera?

Isang kaibigan ko na nakabase sa New York ang nagsabing nakatsihan niya roon itong theater actress na nagkukuwento raw noon tungkol sa dating boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

Kaya nakilala ko lang siya bilang ex-girlfriend ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

Hindi nga ba maganda ang kanilang break-up?

JERRY OLEA: Magka-alternate sina Arman Ferrer at David Ezra bilang bidang lalaki na si Ah Tiong sa Binondo: A Pinoy Musical.

Dito sa Side Show ay magkasama na sila.

May kani-kanyang “lakas” sina Arman at Ferrer—sa hitsura, at sa husay sa performance.

Ang main attraction siyempre sa Side Show ay ang Siamese twins, na ginampanan nina Gab at Kayla.

Mula sa teatro, makatawid kaya sila sa TV o pelikula?! Abangan!

Read Next
Read More Stories About
Myke Salomon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results