Ced Torrecarion itinangging siya ang ama ng anak ni Katherine Luna

by PEP Troika
Sep 9, 2018

JERRY OLEA: Nagulat si Ced Torrecarion nang uriratin kaugnay sa tsismis na siya ang nakabuntis noon kay Katherine Luna at hindi si Coco Martin.

Nakita pa raw ni Coco na magkasama noon sina Ced at Katherine?

"Grabe! Grabe kayo! Hindi po! Hindi po ako!" maigting na bulalas ni Ced sa presscon ng musical play na The Lost Sheep nitong Setyembre 8, Sabado, ng hapon sa Trellis restaurant, Kalayaan Avenue, Quezon City.

Inamin ni Ced na nag-date sila noon ni Katherine sa loob nang tatlong buwan pero imposible raw na siya ang nakabuntis dahil "safe" siya sa mga ganoong bagay.

Nakita niya ang iniluwal ni Katherine at wala siyang naramdamang lukso ng dugo rito.


Continue reading below ↓

Isa lang daw ang anak niya sa non-showbiz girlfriend niya before. Eleven years old na ngayon ang kanyang daughter.

Panahon pa ng pelikulang Masahista (2005) ang isyung ito kina Coco, Katherine, at Ced.

Kasama si Ced sa teleserye ni Coco na FPJ’s Ang Probinsyano, at hindi raw nila napag-usapan si Katherine o ang anak nito.

Gaganap si Ced bilang Jesus Christ sa The Lost Sheep, na itatanghal sa Oktubre 27, 4 p.m. at 7 p.m. sa Star Theater, CCP Complex.

Kasama rin sa cast nito sina Lovely Rivero (bilang Mary, ina ni Jesus), Reuben Aslor (bilang sundalong atheist na si Charlie), at Jeffrey Santos (bilang Peter, isa sa mga alagad ni Jesus).

NOEL FERRER: Settled naman na yata na after ng DNA test ay hindi nga kay Coco yung anak ni Katherine Luna.

So talagang pinagdudahan din ba na si Ced iyun?

So sa stage play busy si Ced talaga. Bakit nga ba hindi siya pumatok sa showbiz?

Continue reading below ↓

Oh well, kanya-kanyang puwesto talaga...

GORGY RULA: Si Ced Torrecarion, na unang nakilalang si Ced Carreon, ang isa sa kauna-unahang na-involve sa sex video. Hindi naman niya itinanggi dahil may maipagmamalaki naman.

Matagal din siyang nakarelasyon ng isang aktres na di na gaanong active sa ngayon, na naanakan ng isang sikat na TV host.

Iyun nga raw ang isang dahilan kung bakit natengga ang career nitong si Ced dahil nag-focus sa relasyon niya sa naturang aktres.

Pareho silang nabalaho ang career. Hindi na umangat-angat.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results