Magandang female celebrity baka makikibulaga sa isang show

by PEP Troika
Sep 9, 2018

GORGY RULA: Kung magkakasundo sa budget, pati sa ilan pang detalye ng partisipasyon ng magandang female celebrity na ito, magiging dagdag siya na miyembro sa hanay ng mga host ng isang programang araw-araw na napapanood.

Isa sa mga araw na ito ay bubulaga sa atin ang pagpasok ng magandang female celebrity na ito bilang bagong co-host sa kanilang programa.

Maganda at inspiring ang bagong segment na naisip nila at bagay na bagay kung itong magandang female celebrity ang maghu-host.

Ilang kilalang aktors ang nagkakagusto sa female celebrity na ito, at kung matutuloy siya sa programang iyon, maaring tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz, at tiyak na pag-aagawan itong maging leading lady ng mga kilalang aktor.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Marami nang shows at pelikula ang nagtangkang kunin ang magandang female celebrity na ito.

Hindi nga niya napaunlakan ang isang pelikulang entry last year ng MMFF dahil sa previous commitments.

Baka naman ngayon ay matuloy na ang pagpasok niya talaga sa show business.

Magandang development ito kung saka-sakali na ikabubulaga ng mga manonood.

JERRY OLEA: Kung! Kung! Kung! Bubulaga kung ganito, kung ganyan, kung ganire, kung ganoon!

Kung makakatulong ang kanyang ganda para mas pusuan ng televiewers ang pang-araw-araw na programa, abangan natin!

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results