Magaling na aktor, lulong pa rin sa masamang bisyo

by PEP Troika
Sep 9, 2018

NOEL FERRER: Isang magaling na aktor ito ng kanyang pagkabata na ngayo’y hindi na ganun ka active sa showbiz.

Akala ko ay may pinagkakaabalahang iba pero hayun, pati kapatid pala niya ay hinahanap siya at gusto na talaga siyang iparehab.

Pinaghahanap siya ng ilang tao na kanyang naloko para lang makadiskarte ng perang pambili ng kanyang pangtsongki.

Continue reading below ↓

Sayang at tila hindi pa rin nagbabago ang minsan nang magaling na aktor na ito.

Sana’y hindi natin siya mabalitaang natokhang na lang pala. Good luck!

JERRY OLEA: Kung anu-anong negatron ang pinagdaanan ng magaling at guwapitong aktor.

Kay saklap! Sinayang niya ang kanyang talento.

Ilan na ba silang mga batang aktor na nasadlak sa masamang bisyo?

Nawa’y hindi pa huli ang lahat para sa kanya.

GORGY RULA: Nakakapanghinayang ang batang aktor na ito na magaling pa naman.

Usap-usapan na nga ito sa kanilang lugar dahil madalas din siyang nasasangkot sa gulo.

Di ba minsan nagkagulo sa lugar nila nang nahuli siya sa bahay ng girlfriend niya?

Tumalon daw ng bintana nang pagsugod ng tatay nung babae.

Ewan ko lang kung sila pa rin hanggang ngayon.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results