Concert ni Kyline Alcantara sa SM Skydome, waging-wagi

by PEP Troika
Sep 9, 2018

GORGY RULA: Napuno ni Kyline Alcantara ang SM Skydome na pinagdausan ng concert niyang Take FL16HT kagabi, September 8.

Continue reading below ↓

Sold-out ang tickets na ni-release ng GMA Records, na ikinataranta ng mga nangasiwa sa concert dahil hindi nakaupo ang mga bumili ng platinum tickets.

Kuwento ng isa sa mga taong malapit kay Kyline, bumili raw si Cong. Alfred Vargas ng 30 platinum tickets, pero dalawampu lang ang nakaupo, at nakatayo na lang yung nahuling dumating.

Nag-over ba ng bentahan ng tickets?

Pero sobrang thankful si Kyline sa suporta ng mga nakatrabaho niya lalo na ang buong production staff ng Kambal, Karibal na nakisaya sa kanyang concert.

Sobrang touched siya kay Marian Rivera na nagpadala raw ng flowers sa kanya doon sa SM Skydome.

Pati ang mga guest niyang si Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, James Wright at Migo Adecer ay nag-enjoy din sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Sunflower fans ni Kyline.

May ilang nagtanong kung dumating ba doon sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Hindi naman ini-expect ni Kyline na darating sila para hindi na magkaisyu.

Continue reading below ↓

Pero okay na raw sina Bianca at Kyline, pagkatapos nilang magsama sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Out na rin pala ang Take FL16HT album ni Kyline ng GMA Records.

Matunog din daw na siya ang magwawaging Best New Female Recording Artist ng Star Awards for Music 2018 na gaganapin sa Resorts World Theater mamayang gabi.

JERRY OLEA: Kapansin-pansin ang sunflowers ni Kyline.

Mainit ang kanyang bituin, at pinag-iinitan din.

Mga pangarap niya ay aabutin, marami siyang patataubin.

Huwag muna sana siyang kumerengkeng, bagkus ay panatilihin ang hinhin.

NOEL FERRER: Nanood ba si Miguel Tanfelix sa concert na ito?

Sa tingin niyo, lilipad na ba ang career ni Kyline pagkatapos ng Take FL16HT kagabi? Abangan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results