Elijah Filamor nabigyan ng big break sa Alpha: The Right to Kill

by PEP Troika
Sep 9, 2018

JERRY OLEA: Dating waiter ang 23-anyos na si Elijah Filamor, na gaya ni Allen Dizon ay bida sa pelikulang Alpha: The Right To Kill (directed by Brillante Mendoza).

Ang nasabing pelikula ay isa sa 12 official entries para sa 66th San Sebastian International Film Festival na mag-uumpisa sa Setyembre 21 sa Spain.


Continue reading below ↓

Naging Best Actor si Elijah sa film workshop ni Direk Brillante noong 2016.

“Batch 3 po kami. Kami po yata yung last batch ng workshop ni Direk Brillante,” sambit ni Elijah nang mainterbyu ng PEP Troika nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 7, sa Director’s Club ng SM Megamall.

Lumabas si Elijah before sa mga pelikulang Best.Partee.Ever, What Home Feels Like at Pailalim.

Nahirapan si Elijah sa isang eksena nila ni Allen na tatlong beses ni-reshoot ni Direk Brillante sa magkakaibang araw.

“Mas namulat po ako sa totoong nangyayari sa Pilipinas after ko pong makasama talaga dito,” lahad ni Elijah.

“Aware naman po ako na may ganitong nangyayari pero syempre po, iba po yung nararanasan ko talaga, e.

“Para sa akin po, yung buong film mismo ang naging memorable sa akin.”

Buo ang tiwala ni Elijah kay Direk Brillante at walang problema sa kanya sakaling i-require siyang mag-frontal nudity.

“Dedication na rin po sa trabaho siguro,” napapangiting katwiran ni Elijah.

Continue reading below ↓

“Saka passionate po ako sa acting po, e.”

NOEL FERRER: Lagi akong hurrah for the underdogs kaya masaya ako sa mga tulad ni Elijah na nagsisikap magtagumpay sa ating industriya, at talagang nananaig ang kahusayan higit sa anupaman.

Aabangan ko itong pelikulang Alpha: The Right To Kill ni Direk Brillante Mendoza!

GORGY RULA: Pang character roles si Elijah.

Ang unang tingin ko sa kanya parang galing sa circus, pero may karakter siya.

Sabi pa pala ni Direk Brillante, titigil daw muna siya sa pagtuklas ng mga bagong talents.

Hindi na rin siya maghahangad na may ma-discover pa siya ng another Coco Martin.

Ibang-iba naman daw si Coco sa mga artistang nabigyan niya ng magandang break.

Read Next
Read More Stories About
Brillante Mendoza
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results