Gender ng baby nina Paolo Contis at LJ Reyes, itinago sa kanila

by PEP Troika
Sep 10, 2018

GORGY RULA: Suhi pala ang baby na ipinagbubuntis ngayon ni LJ Reyes.

Ito ang isa sa impormasyong ibinahagi ng boyfriend ng aktres na si Paolo Contis nang nakausap namin sa aming programa na Showbiz Talk Ganern ng DZRH kagabi, September 9.


Five months pa lang ang dinadala ni LJ, kaya umaasa silang magbabago pa ito ng posisyon.

Continue reading below ↓

Dagdag na kuwento ni Paolo, nagpa-checkup sila nung nakaraang Biyerrnes, September 7, at okay na okay raw ang kalagayan ng baby.

Ani Paolo, “Nung checkup namin the other day, nakita namin si baby, healthy.

"Kumpleto lahat, iyon naman ang concern namin, e. We’re happy to say na very healthy siya."

Isa pa sa inalam nila ay ang kasarian ng baby.

Nakita naman daw nung huling check-up, pero itinago raw muna ito sa kanila.

Ang ate lang daw ni LJ ang nakaalam.

“Ibinigay yung result sa ate ni LJ kasi may plano siyang magpa-gender party para sa amin ni LJ.

“Next week magkakaroon kami ng maliit na party. Pa-party sa amin ng ate ni LJ.

"So, next week pa namin malalaman.

“Ang hirap nga kasi kailangan pa namin maghintay ng one week.

"Pero siyempre, it’s worth the wait," sabi ni Paolo.

Isa raw sa sobrang excited malaman kung boy o girl ang magiging baby nila ay ang anak ni LJ na si Aki.

"Super excited siya, sobra! Actually, every time we get a checkup, kailangan kasama siya, gusto niya yun.

Continue reading below ↓

"'Tapos, lagi niyang kinakausap yung baby. Very excited preparing to be a kuya," masayang pahayag ng Kapuso actor.

NOEL FERRER: Bukod sa pagiging testament ng pagmamahal itong baby na ito nina LJ Reyes at Paolo Contis, sana maging daan din ito para magbuklod at mailagay sa tamang ayos ang “modern family” set-up between LJ and Paolo and Paulo Avelino. (Shades of Ogie Alcasid-Regine Velasquez-Michelle Van Eimeren).

We wish them only the best!

JERRY OLEA: Dalangin natin na mailuwal ni LJ nang maluwalhati ang baby nila ni Paolo!

Biyaya ito na lalong magpapatibay sa kanilang pag-iibigan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results