Pokwang, matapatan kaya ang Best Actress award ni Ai-Ai delas Alas?

by PEP Troika
Sep 11, 2018

JERRY OLEA: Best actress si Ai-Ai de las Alas (Serbis) sa 14th Cinemalaya Film Festival noong Agosto, kung saan 10 pelikula ang nagtagisan.

Inusisa namin si Pokwang (Sol Searching) kung hopia siyang mag-best actress sa 3rd ToFarm filmfest, kung saan anim lang ang official entries.

 IMAGE Jerry Olea

"Ay! Ayokong um-assume!" mabilis na bulalas ni Pokwang nang machika namin sa opening ceremony ng ToFarm 2018 nitong Setyembre 10, Lunes ng gabi, sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC.

Continue reading below ↓

"Ang masasabi ko lang, maganda po yung kuwento. Ayan!

"Saka natutuwa ako na na-invite ako na gumawa ng ganitong klaseng pelikula."

Black comedy ang Sol Searching, at natupad dito ang dream niyang gumanap na teacher.

"Punahin ninyo, first time akong maging teacher dito," napangiting sambit ng comedienne.

"This time, hindi ako nanay!"

Sino ang peg niya sa kanyang role?

"Mala-Maricel Soriano sa pelikulang Mila... pero may pitik na konting Pokwang!"

Ipapalabas ang entries ng ToFarm ngayong Setyembre 12-18.

Ang awards night ay sa Setyembre 15, Sabado, sa Makati Shangri-La.

NOEL FERRER: Noon pa man, kinakitaan na si Pokwang ng husay sa pagganap—mapa- comedy man o drama.

Teleserye man o pelikula, o kahit guesting sa Maalaala Mo Kaya, pinag-uusapan ang galing ni Pokwang sa mga ito.

Kaya naman maganda kung mare-recognize siya ng award-giving bodies, pati na sa ToFarm Festival.

Good luck, Pokwang! Hindi lang pampamilya (o pangkusina) kundi pang aktingan pa!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Ayaw na lang magpa-pressure ni Pokwang, pero dapat mag-Best actress siya rito, pagkatapos mag-Best actress ni Ai-Ai sa Cinemalaya.

Hindi kasi maiwasang pagkumparahin at pagtapatin silang dalawa.

Bakit kaya hanggang ngayon wala pang regular show si Pokwang sa ABS-CBN?

Si Ai-Ai kasi haping-happy na sa GMA-7.

Mas bongga kayang mag-GMA na lang si Pokwang para kaabang-abang ang tapatan nilang dalawa?

Meron pang hanash noon si Pokie na tila may humaharang sa kanya. Naayos kaya yun?

Sayang dahil magaling pa naman ang komedyanang ito.

JERRY OLEA: "May paparating po akong teleserye, again sa Kapamilya Network," masayang pagbabalita ni Pokwang.

"Hindi po totoo yung lilipat ako. Tsismis lang yun! Etchos-etchos lang yun.

"May teleserye ako with MayWard. Coming na po ‘yan!

"'Tapos, may ginagawa ako ngayon sa QCinema naman... another indie filmfest ‘yan... Oda sa Wala.

"Maganda rin ito. Ang akting-akting ko naman dito, parang si Ate Guy. Alam mo yun, yung quiet-quiet lang.

Continue reading below ↓

"'Tapos, yung Banana Sundae, yun ang aking comedy regular sa ABS-CBN!"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results