Kiko Matos at Martin del Rosario, tinablan sa love scene nila?

by PEP Troika
Sep 11, 2018

JERRY OLEA: “Oy! One for the books!”

Nakangiting sagot iyan ni Kiko Matos nang uriratin namin sa kanya ang love scene nila ni Martin del Rosario sa pelikulang Born Beautiful.

 IMAGE Jerry Olea / Noel Orsal

Sa isang blind item, itinuturo na sina Martin at Kiko ang subjects—na kesyo itinuloy nila off-cam ang pagtatalik.

Continue reading below ↓

Handa ba siya sa mga ganoong tsismis dahil sa project nila ni Martin?

“Basta, pag artista ka, gusto mo, napag-uusapan ka, di ba?” malumanay na lahad ni Kiko nang mainterbyu namin sa launch ng ToFarm 2018 nitong September 10, Monday night, sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC.

“Pero in my perspective naman, kahit pag-usapan ka nila, kahit anong sabihin nila, whether it may be right or wrong, wala ka ring magagawa, e.

“People will always something about you, even if you don’t do anything.”

Apektado ba ang kanyang girlfriend sa mga ganitong tsika?

“Matutuwa nga yun, pag ganun!” bulalas ni Kiko. “At least, hindi raw ako nambababae!

“Natutuwa rin ako na may mga ganyan. Ako, produkto ako ng bashers, e.

“During that time kasi, alam kong social experiment ang ginagawa ko. So, hindi ako nag-react.”

Masasabi ba niya definitely na hindi sila magtitikiman ni Martin sa totoong buhay?

Matamis ang ngiti ni Kiko, “Definitely. Hindi kami talo, e!”

Continue reading below ↓

Siyanga pala, dalawa ang pelikula ni Kiko sa 3rd ToFarm filmfest (Setyembre 12-18)—Alimuom at Mga Anak ng Kamote.

GORGY RULA: Parang promong-promo naman yung kuwentong itinuloy na ang love scene nilang dalawa.

Sabi nga ni Kiko, hindi sila talo.

Parang hindi naman siya apektado sa intrigang iyan.

Parang naaliw pa nga siya dahil pagkatapos ng kuwentong bangasan nila ni Baron Geisler, kabadingan naman ngayon ang isyu sa kanya.

Malay natin, baka gawing social experiment na naman iyan.

Malamang, hindi iyan type ni Martin.

Pero ang tanong ko dito: kailan na ba maipalalabas itong Born Beautiful? Saan mapapanood?

Kasi kahit matindi ang promo nito, kung di naman sa malakas na TV network, sayang lang. Matatapos lang na di namalayan.

Ewan ko kung magkainteres dito ang Netflix kagaya ng Amo ni Brillante Mendoza.

NOEL FERRER: Teka, ganun po ba si Martin katulad ng role niya or magaling lang po siyang umarte?

Balitang balik isali ang Born Beautiful sa MMFF 2018 na ang deadline ay sa September 21.

Continue reading below ↓

Naging successful ang sinundan nitong Die Beautiful, makapasa naman kaya itong sequel?

Abangan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results