Pepe Herrera, payag maghubad huwag lang ipakita ang...

by PEP Troika
Sep 11, 2018

GORGY RULA: Medyo naluluha si Pepe Herrera na humarap sa movie press pagkatapos ng celebrity premiere ng pelikula nila ni Ritz Azul, ang The Hopeful Romantic ng Regal Multimedia, na ginanap sa Cinema 5 ng Trinoma kagabi, September 10.

 IMAGE Arniel Serato

Sobrang na-touch daw siya sa suporta ng mga kaibigan niyang dumalo.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga dumating ay sina Ahron Villena, Kakai Bautista, Ahron Villaflor, Paolo Paraiso, Jaison Gainza, at Alessandra de Rossi na umiwas sa mga gustong mag-interview.

Tatanungin sana namin si Alessandra tungkol sa napabalitang pag-alis niya sa Cornerstone na nag-manage sa kanya.

Isa sa napag-usapan nang nakapanayam namin si Pepe, kasama si Ritz at iba pang cast, ay ang nakakatawang love scene nilang dalawa.

Aliw ang eksenang hinubaran ni Ritz si Pepe at tumambad sa kanya ang nakakasilaw na harapan ni Pepe.

Sabi ng aktor, lahat daw ay gagawin niya para sa pelikula, kaya hindi siya nag-atubiling maghubad at nakipagsabayan kay Ritz na seksing-sexy sa pelikula nila.

Bilang artista, wala raw problema sa kanya ang maghubad. Pero may limitations pa rin.

“Siyempre, hindi naman ako puwedeng magpakita ng b*y*g!” bulalas ni Pepe.

Sinundan namin ng tanong kung iyon lang ba ang hindi puwedeng ipakita. Paano ang isa pang bahagi ng katawan na malapit sa b*y*g?

Continue reading below ↓

“Siyempre, hindi puwede. Package na yun!” natatawa niyang sagot.

Bakit daw usapang b*y*g na ang natanong sa kanya.

Pero thankful si Pepe dahil napaka-cooperative daw ni Ritz at wala itong arte sa love scene nila, pati sa iba pang intimate scenes.

Sabi naman ni Ritz, "Kumportable kasi ako kay Pepe. Wala akong malisya sa kanya, kaya hindi kami nahirapan sa mga ganung scenes namin."

Bukas, September 12, ang showing ng The Hopeful Romantic.

Very hopeful silang magustuhan ng mga manonood ang style ng pagpapatawa nila sa pelikula na idinirek ni Topel Lee.

NOEL FERRER: Mahusay namang artista si Pepe Herrera at magaling din siyang singer; aabot talaga sa pagpapakita ng kanyang ganun? Hindi ko kinakaya. Hehehe!

Good luck sa pagbubukas ng kanilang pelikula. Maraming katapat. Nakakakaba.

Malay mo naman. Tapos naman na ang Mercury Retrograde.

JERRY OLEA: Walang pepe si Pepe kaya siguro napunta sa b*y*g ang usapan.

Siyempre, hopeful sina Pepe & Ritz na magiging romantic ang moviegoers sa kauna-unahang pelikula na sila ang bida.

Continue reading below ↓

Palaban ang tambalan nila sa Wander Bra nina Kakai Bautista at Myrtle Sarrosa.

Huwag lang sana silang masakmal ng The Predator sa takilya!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results