Ang Probinsyano, dininig ang panawagan ni Mystica

by PEP Troika
Sep 12, 2018

NOEL FERRER: Habang ang ibang kapamilya ng Presidente (Rowell Santiago) pati si Jolo Revilla ay namatay na sa FPJ's Ang Probinsyano, heto at dininig ng grupo ni Coco Martin ang hangad ni Mystica na mag-guest siya sa programa.

Nakatakda nang mag-tape si Mystica anytime soon basta okey pa ang panahon.


Continue reading below ↓

Naibalita rin kahapon, September 11, na okey lang din sa MMFF movie co-star ni Coco na si Maine Mendoza na mag-guest sa Ang Probinsyano basta payagan lang siya ng kanyang management.

Itong Ang Probinsyano na nga ang nagiging assembly area ng mga nagka-comeback na mga artsta from their retirement or hiatus.

That makes it all the more interesting. Sinu-sino pa kaya ang susunod na a-appear dito? Abangan!

GORGY RULA: Huwag na tayong magulat kung lalapit na rin sa Ang Probinsyano sina Selina Sevilla, Mae Rivera, pati sina Olivia Ortiz na nagtitinda na rin daw ng prutas, at si Cherie Madrigal na tumatanggap na rin ng labada.

Pero naalala ko itong si Cherie Madrigal na sa kaiikot niya sa ilang studio sa GMA-7 para magtinda ng mangga, nakaraket naman at nabigyan ng programa sa ilang afternoon drama ng Kapuso network.

Pero hindi niya ipinapabalita, walang publicity.

Itong kay Mystica kasi, lahat na lang na nangyayari sa buhay niya, pinu-promote niya.

Continue reading below ↓

Pati ang sakit ng anak niya, pag-aasawa at pakikipaghiwalay sa mas bata sa kanya, ang mamuhay sa isang liblib na lugar sa Nueva Vizcaya, at ang latest itong pagtitinda ng fried chicken.

Sa totoo lang, ano ang masama sa pagtitinda ng fried chicken?

Sana sa halip na ipabalita niya ito at i-promote ang kahirapan niya para makaraket sa Ang Probinsyano, bakit hindi niya lalong pasarapin ang timpla ng fried chicken niya para lalong dagsain ng mga gustong kumain?

Pagkatapos ng appearance niya sa Ang Probinsyano, ano ang susunod niyang pakulo?

Siguro, dapat na ring kumilos ang Kapisanan ng mga Artista sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), na pinamumunuan ni Imelda Papin, kung ano ang dapat gawin sa mga artistang nakalimutan na at wala nang makuhang trabaho.

Noon pa sinasabi ni Ms. Papin na mayroon na silang ginagawa sa mga artistang walang trabaho, pati ang ibang filmworkers na nangangailangan ng atensiyon mula sa KAPPT.

Continue reading below ↓

Naiba na ba ang focus ngayon si Ms. Papin dahil malapit na ang filing of candidacy para sa 2019 elections?

JERRY OLEA: Si Rhed Bustamante (Seklusyon), naghihikahos din at kailangan ng trabaho.

Noong Linggo, Setyembre 9, lang ay kabilang si Imelda Papin sa mga pinagkalooban ng lifetime achievement award sa PMPC Star Awards for Music.

Tuloy pa rin ang mga nasimulang proyekto ni La Papin para sa members ng KAPPT.

Kahit kumandidato siyang vice governor sa Camarines Sur, tuloy ang kanyang mga adhikain.

If ever, tatapatan kaya ni Nora Aunor si Imelda sa kandidatura?

Abangan!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results