ToFarm festival director Bibeth Orteza, itinanggi ang isyu kay Direk Laurice Guillen

by PEP Troika
Sep 12, 2018

JERRY OLEA: Nang pumanaw si Direk Maryo J. de los Reyes noong Enero 27, 2018, tatlong pangalan ang lumutang upang pumalit sa kanya bilang festival director ng ToFarm filmfest.

Eventually, si Bibeth Orteza ang napiling bagong festival director ng ToFarm, si Direk Joey Romero ang managing director, at si Direk Laurice Guillen ang consultant.

Sa launch ng 3rd ToFarm noong Setyembre 10, Lunes, sa Novotel Hotel, Araneta Center, QC, punong-abala sina Bibeth at Direk Joey pero hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Direk Laurice.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Pahayag ni Bibeth, “Noong una, OK siya na maging consultant.

"Di ba, ang nangyari, nag-Cinemalaya? 'Tapos, nag-start uli iyong TV show [Ika-5 Utos] at nag-Gulong ng Palad [pelikula].

"Paano naman magkakapanahon ang lola ko, o?"

Ipinagdiinan ni Bibeth na walang isyu sa pagitan nila ni Lola Laurice.

Opening film ng ToFarm 2018 noong Lunes ang pelikulang Magnifico (2003) ni Direk Maryo J.

Kabilang kami sa muling lumuha nang mapanood ito, at siyempre, masigabo ang aming palakpakan.

Continue reading below ↓

Palabas na ang entries ng ToFarm 2018 umpisa ngayong Setyembre 12, Miyerkules, sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt 1 at Gateway.

Ang anim na feature films ay 1957 (Ronwaldo Martin & Richard Quan), Alimuom (Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado & Kiko Matos), Kauyagan (Bayang Barrios), Mga Anak ng Kamote (Katrina Halili, Alex Medina & Kiko Matos), Sol Searching (Pokwang & Joey Marquez), at Tanabata’s Wife (Miyuki Kamimura & Maribeth Fanglayan).

NOEL FERRER: Magaganda ang ganitong effort sa pagpopondo ng mas maraming makabuluhang pelikulang Pilipino.

Pero sana, aside from promoting ToFarm as a festival, mabigyan din ng tuon ang pagpu-promote ng individual film entries.

Kasi, paano ito magkaka-recall ngayong palabas na ito?

Marahil, sariling sikap na lang ng participating stars and producers ang magpu-push dito.

Muli, nananawagan tayo sa film lovers, cineastes, press, mga kritiko at award-giving bodies, pati na ang mga publikasyon, heto na ang tulong natin sa industriya.

Continue reading below ↓

Panoorin at suportahan ang individual films at maglabas ng reviews at critiques na makakatulong sa audience appreciation and education.

ToFarm, game on!!!

GORGY RULA: Mukhang interesting namang panoorin ang anim na pelikulang kalahok.

Pero ang gusto ko lang sanang malaman ay kung magugustuhan ba ito ng mga magsasaka.

Para naman sa kanila ang filmfest na ito, pero wala pa akong nababalitaan kung may nabago ba sa buhay ng mga magsasaka ang naturang filmfest.

Naalala ko pa ang aeta na bida ng Paglipay, si Garry Cabalic, na sinundo pa ng helicopter ni Dra. Milagros How sa Zambales para dumalo sa awards night nung 1st ToFarm Film Festival dahil nagwagi siyang Best Actor.

Pagkatapos nun ay wala na tayong nabalitaan sa kanya. Balik na kaya sa normal ang takbo ng buhay niya sa paanan ng Mt. Pinatubo?

Sana maganda naman ang kalalabasan ng ToFarm ngayong taon.

Pagkatapos kasi ng The Hows of Us, hindi na ganun kalakas ang mga sumunod na local films.

Continue reading below ↓

As of yesterday September 11, mahigit PHP55M lang daw ang kinita ng Goyo. Ewan ko lang sa iba pang local films na mabilis nawala sa mga sinehan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results