Janine Gutierrez, type kayang magkaroon ng bagong kapatid kapag ikinasal ulit ang Mommy Lotlot niya?

by PEP Troika
Sep 12, 2018

GORGY RULA: Nagpahayag ng suporta si Janine Gutierrez sa balak ng kanyang inang si Lotlot de Leon magpakasal sa Lebanese boyfriend nitong si Fadi El Soury.

Sa story conference ng pelikulang Elise na gagawin niya sa Regal Multimedia, kaswal na nabanggit ni Janine kay Roselle Monteverde na naghahanda na ngayon ang Mommy Lotot niya sa pagpapakasal nito kay Fadi.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

Masaya raw silang magkakapatid para sa kanilang ina, dahil matagal na rin naman daw ang relasyon nito sa Lebanese boyfriend.

Pero tingin naman daw ni Janine, kahit kasal na ito, at magiging Mrs. Fadi El Soury na si Lotlot, wala namang mababago sa pagtingin sa kanilang magkakapatid.

Bahagi ng pahayag ni Janine sa storycon nito kahapon, September 11, “Actually, hindi pa po ako aware sa plano ni Mama, parang wala naman kasi siyang ikinukuwento na magbabago.

"I guess, ang magbabago lang ay yung officially married na sila.

"Pero siguro sa set-up, parang ganun pa rin siguro."

Wala pang ibinigay na detalye si Janine sa kasal ni Lotlot, pero tiyak na magiging bahagi raw sila sa mahalagang araw na ito sa kanilang ina.

Samantala, thankful si Janine na masisingit sa schedule niya ang paggawa ng pelikula.

Gustung-gusto na raw kasi niyang magka-movie, at itong Elise ay gustung-gusto niyang gawin dahil napakaganda raw ng script.

Continue reading below ↓

Makaka-partner ni Janine dito si Enchong Dee, at ididirek ni Joel Ferrer na siya ring nagsulat ng kuwento.

Enchong Dee and Janine Gutierrez
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Iba talaga ang nagagawa kung maligaya ka sa estado mo. Maaliwalas at mabilis ang pagkakaunawaan tulad ng mag-inang Janine at Lotlot.

Yaman din lang na inaayos nila ang kanilang buhay at mga relasyon, sana, dalangin ko talaga, dumating ang pagkakataong maayos din nila ang kanilang samahan kay Ate Guy.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Forty-seven years old na si Lotlot. Puwede pang mabuntis.

Bet ba ni Janine na magkaroon ng bagong kapatid?

“Huwag na! Malalaki na kami!” natatawang tili ni Janine.

Pero siyempre, sakaling mabiyayaan sina Lotlot at Fadi ng anak, tatanggapin at tatanggapin iyan ng young actress.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results