RS Francisco, na-distract kay Tessa Prieto-Valdes habang nasa entablado

by PEP Troika
Sep 13, 2018

JERRY OLEA: Lagpas PHP1M ang halaga ng 15 costumes na likha ni Eric Pineda para kay RS Francisco sa dulang M. Butterfly.

Halos PHP300K naman ang 14 wigs ni RS na imported from USA.

Sa curtain call ng press preview nitong Setyembre 12, Miyerkules ng gabi, sa Maybank Performing Arts Theater (BGC, Taguig City), luhaan si RS.


Continue reading below ↓

"Alam mo yung feeling na I haven’t done it for 28 years, and of course, even if... even if I’ve done other things, and even if I’ve been recognized as this and that, siyempre, meron ka pa ring kaba," emosyunal na lahad ni RS nang mainterbyu namin.

"As an actor, you always want na, you know, the best na ibigay sa audience.

"Especially this event. Kasi, we want this to become a hit.

"Because lahat ng kikitain namin will be going to charity.

"So, pag hindi nag-hit itong play namin, wala kaming maibibigay sa charity.

"So, happy ako na the audience were cheering.

"They were shouting, 'Bravo!' Standing ovation, sina Tessa Prieto. Yung mga tao, tumatayo.

"And I felt na parang all the hard work na pinagdaanan ko, and lahat ng hardship for years and years and years, even before M. Butterfly, kumbaga, nag-catharsis.

"Ito yung catharsis talaga!

"I was trying to really stop myself from being emotional.

Continue reading below ↓

"Ahmm, you know, you didn’t know the stress, the tension that went through by mounting M. Butterfly.

"There’s so much..."

Aminado si RS na na-distract siya sa suot ni Tessa Prieto-Valdes noong gabing iyon.


Paliwanag ni RS, "When I go out on stage, as a theater actor, ha, not film, TV... As a theater actor, when I go out on stage, I’m in a trance.

Continue reading below ↓

"So, I don’t see. I’m in this world.

"So, when somebody... like si Tessa, nakikita ko, kasi naka-red... nasisira ang trance ko.

"So, sabi ng mata ko, umaalis ako kay Tessa—kasi, nadi-distract ako sa hitsura niya.

"Sino ba yung magandang ito?! Gusto kong bumaba ng stage, 'tapos, ‘Halika dito on stage!’

"Pero when you’re on trance, mahirap pag natanggal yung trance. Kailangang ibalik mo na naman ulit."

Palabas ang M. Butterfly simula Setyembre 13 hanggang 30 sa Maybank Performing Arts Theater.

NOEL FERRER: Mahusay si RS sa kanyang performance, no doubt. I saw him doing this noong nasa U.P. pa lang siya.

Tumaas talaga ang expectations sa produksiyong ito, mula nang magkaroon ng major hype tungkol dito.

From the invitation, to the photo exhibit, to the setup, to the playbill, to the trimmings of what seems to be the theater event this year.

Parang sa laki ng resources na ginamit sa produksiyong ito, na hindi readily available sa ibang theater company, iisipin mo, pabongga at pabulosa talaga ito.

Continue reading below ↓

But when the lavish trimmings and trappings are gone, what is left of the play?

Sana ang maalala ng tao ay ang husay ng produksiyon, hindi lang ang bonggang publicity at marketing efforts.

Because we have all seen our theater community na napaka-limited ng resources, pero ang impact ay nanunuot.

GORGY RULA: Ang costume worth PHP1M na, ang wigs PHP300K.

Hindi pa kasali ang talent fee ng ibang actors at iba pang expenses.

Malaki ang production cost ng play na ito, 'tapos ibibigay sa charity.

Kaya ang laki ng inilabas na datung ng FrontRow ni RS Francisco.

Parang ako ang natatakot sa laki ng datung na inilabas ni RS, huh?

Nakakatakot, sa totoo lang.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results