Gabby Concepcion, di pa nakikilala ang French boyfriend ni KC

by PEP Troika
Sep 13, 2018

JERRY OLEA: Gustong makasama ni Gabby Concepcion ang kanyang mga kapamilya sa mini-tour (singing engagements) niya sa Amerika. Kabilang si KC Concepcion?

Gabby Concepcion
 IMAGE Jerry Olea

“Oo naman, pero busy yung bata ngayon. Ayoko nang istorbohin,” nakangiting lahad ni Gabby nang mainterbyu namin sa last shooting day ng pelikulang Man & Wife nitong Setyembre 13, Huwebes, sa Insular Bldg., Alabang, Muntinlupa City.

Continue reading below ↓

“Parang... parang in love yata yung anak ko.

“Iyon ang nararamdaman ko, na nakikita ko sa Instagram.”

Napag-uusapan ba nila iyon ng 33-year-old daughter niya?

“Naku, mahirap kausap yun ngayon!” bulalas ng aktor. “Focused! Focused na focused siya ngayon!”

Gusto ba niyang mag-settle down na si KC?

“Naku, kahit ano na yung gusto niya, yun na rin ang gusto ko,” matamang sambit ni Gabby.

“Gusto niya akong maging ano, best man... puwede rin!

“Puwede rin naman akong veil [sponsor], para maiba lang!”

Na-meet na ba niya ang French BF ni KC na si Pierre Emmanuel Plassart?

Continue reading below ↓
 IMAGE Courtesy: @itskcconcepcion / @edz.mar on Instagram

“Hindi pa! Hindi ko pa nakikilala,” sagot ni Gabby. “Pero mukhang mabait naman. Mukhang mabait.”

Naiintindihan ni Gabby kung hindi man siya nasabihan ni KC sa bagong pag-ibig nito.

“Naka-focused nga masyado!” sabi pa ng aktor.

“Pinababayaan ko na lang. Alam mo, tayo, pag in love tayo, minsan nakakalimutan natin ang mga nasa paligid natin.

“Ganun talaga yun. Kahit na sino. E... nakalimutan na nga niya yung showbiz, e. Di ba? Wala na.

“Naka-focused lang siya talaga roon. OK lang yun because buhay niya iyon, e. Buhay niya yun.

“Whatever makes her happy, e, doon tayo!”

Si Jodi Sta. Maria ang katambal ni Gabby sa Man & Wife, na idinirek ni Laurice Guillen para sa Cineko Productions.

Nasa cast din ng movie sina Amy Austria, Liza Lorena, Denise Laurel, Edgar Allan Guzman, Ina Feleo, Francis Magundayao, Dexter Doria, Cogie Domingo, at Klea Pineda.

NOEL FERRER: So, ang dating Gulong Ng Palad ay Man & Wife na ngayon.

Continue reading below ↓

Magandang makita kung nakasabay si Gabby sa makabagong aktingan nina Jodi, EA, Francis, at Ina dahil
sadyang kilala sa husay ang ibang senior stars na kasama rin sa pelikula.

Tingnan natin kung papasa ito sa panlasa ng MMFF selection committee kapag isinubmit na ito sa September 21.

GORGY RULA: Pero pagdating kay Sharon, hindi talaga nagbigay ng pahayag si Gabby.

Tungkol na lang daw sana sa pelikula nila ni Jodi ang pag-usapan.

Pati sa iba niyang anak ay tipid din ang sagot ni Gabby dahil wala na raw siyang komunikasyon sa kanila.

Hindi niya alam na sasali sa Miss Universe Sweden si Cloie Syquia Skarne, na obviously hindi na dala ang pangalan niya.

“Wala pa naman akong balita, but as soon as I get word from her…

“Ganyan talaga ang gulong ng palad… lahat nagri-revolve sa ano,” medyo nag-aalangang sagot ng aktor dahil wala siyang masabi tungkol sa anak nila ni Jenny Syquia.

Continue reading below ↓

Pati kay Garrie Concepcio, na anak niya kay Grace Ibuna, ay wala ring masabi si Gabby tungkol sa tila may balak na rin itong magpakasal kay Michael Pangilinan.

“Wala akong balita, e.

“Buhay nila iyan. Hindi ko naman matutukan.

“Wala naman akong say sa kanila. Medyo may edad na sila. Buhay na nila yun,” tila malungkot na sagot sa amin ni Gabby.

Dagdag niya, “Basta ako, I’m all support sa mga ginagawa nila.

"Kung nagkulang man ako sa suporta, pasensiya na, pero I will always be there naman, e.

"Hindi naman nawawala yung concern ko sa kanila.

“I can’t be there 100 percent all the time, pero the intention is there,” sabi pa ni Gabby.

Masaya naman siya ngayon sa kanyang non-showbiz wife na all-out daw ang suporta sa kanyang career.

May dalawang anak si Gabby sa kasalukuyan niyang asawa, at meron din silang dalawang anak na babae.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results