Cogie Domingo, gusto ring mag-guest sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Sep 14, 2018

JERRY OLEA: Markado ang papel ni Cogie Domingo sa comeback movie niyang Man & Wife, na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion and Jodi Sta. Maria sa direksiyon ni Laurice Guillen.


Muli (2010) ang huling movie niya before, kung saan nagtambal sila ni Sid Lucero.

Nang mag-guest si Cogie noong Marso 24, 2018 sa radio program ni ka-Troikang Noel, inamin niya ang pag-asam na makapag-guest sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Anong petsa na?!

"Oo, gusto ko! Gusto ko! Kasi, malakas siya!" bulalas ng 33-anyos na aktor nang mainterbyu namin sa last shooting day ng Man & Wife nitong Setyembre 13, Huwebes ng hapon, sa Insular Building, Alabang, Muntinlupa.

"Gusto ko, pero... not noong time na yun, ha? Noong time na yun, hindi ko siya maano.

"Gusto ko... yet, ayaw ko rin. Pero hindi ko na iaano ang mga details.

"Right now, parang gusto ko siya talaga. Kasi yung mga tao, nanonood sila niyan, e."

Naunahan pa siya ni Mystica na mag-guest sa teleserye ni Coco Martin!

"Baka para talaga sa kanya yun," napangiting sambit ni Cogie.

"Magkakaroon din ng Probinsyano [guesting] siguro para sa akin."

NOEL FERRER: Kung ang magaling na batang aktres na naghirap na si Rhed Concepcion ay pinaglalaanan na ng role ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano, tingnan natin kung magagawan din nila ng paraan ang hangarin ni Cogie Domingo na napasama rin sa top-rating na teleserye ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Abangan din natin si Cogie sa markado nitong role sa Man & Wife, na kung makakapasok sa official entries ng MMFF 2018 ay ikaka-visible ng mga artistang kasama rito.

Simula pa noong Death Row (2000) with Joel Lamangan, kinakitaan na si Cogie ng husay sa pagganap sa pelikula.

Huli nating nakita ang ganitong brilyo niya bilang aktor sa Muli, kung saan naging nominado sila ni Sid Lucero sa pagka-best actor sa Gawad Urian noong 2001.

Sana nga ay mabigyan pa ng magandang break si Cogie sa pag-arte if only to erase the issues surrounding him.

GORGY RULA: "Clean slate na tayo," sabi pa ni Cogie.

Mabuti at nandiyan daw ang pamilya niya at malalapit na kaibigan na talagang tumulong sa kanya para makabalik at maiwasan na ang dating bisyo.

Doon daw niya kasi napagtanto na hindi lang ang kanyang sarili ang sinisira niya kundi pati na rin ang buhay ng mga taong malapit sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Kaya nga ang maipapayo lang daw niya sa mga kabataan ngayon:

"Number one na maipapayo ko is stay away from drugs, lalo na sa panahon ngayon.

"Kasi di ba… you’re not just messing with your own lives, but other lives, pati yung pamilya, mga nagmamahal sa iyo, mga sumusuporta sa iyo."

Kaya willing daw siyang sumali sa ibang grupo na active sa kanilang campaign laban sa droga.

Kahit siya mismo ay umaasa na ring tuluy-tuloy na itong pagbabago niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results