Rufa Mae Quinto, below the title na ang billing

by PEP Troika
Sep 14, 2018

JERRY OLEA: Masikip sa dibdib ang billing ni Rufa Mae Quinto sa poster ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ko.

 IMAGE Rufa Mae Quinto Instagram

Bukod-tanging ang pangalan ni Alex Gonzaga ang above the title.

Magkakahilera sa unang linya na super-below the title ang mga “starring” na sina Vin Abrenica, Jerald Napoles AND Candy Pangilinan.

Continue reading below ↓

Opo, may AND bago ang name ni Candy.

“Also starring” sa kasunod na linya ang mga pangalan nina Rufa Mae Quinto, Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, at Joj Agpangan.

Nakakapanlumo.

NOEL FERRER: Marami nang beses ni-launch ang solo film career ni Alex Gonzaga.

Hindi nga ba’t may The Rebound Girl siya sa Regal na tungkol sa kape-kape? 'Tapos heto ngayon.

Continue reading below ↓

Tingnan natin kung papasa na sa panlasa ng mga manonood si Alex na, in fairness, marunong umarte, ha!!!

Ang excited ako ay ang pelikula rin nilang magkapatid, Toni at Alex Gonzaga, na under ng produksiyon ni Paul Soriano.

Balitang isa-submit yun sa MMFF 2018. Tingnan natin kung magiging official entry.

GORGY RULA: So far, wala pa naman tayong naririnig na hinaing mula kay Rufa Mae.

Baka tanggap na niyang pang-below the title na siya, dahil pawang supporting roles na ang ginagampanan niya.

Madali lang siguro sa kanyang tanggapin ang lahat, at alam niyang hindi na kagaya ng dati ang estado ng kanyang career.

Iwan na natin kay Rufa Mae o sa manager niya ang reklamo sa billing. Hindi na natin trabaho iyan.

Baka naman kasi maliit lang talaga ang role niya.

Mukha naman kasing masaya na ang komedyante sa takbo ng buhay at ng career niya.

Masaya na siya sa kanyang asawa, lalo na’t aligaga siya sa pag-alaga sa kanilang anak.

Continue reading below ↓

Sabi nga ni Rufa mae nung nakausap namin pagkatapos niyang manganak, malaki talaga ang nabago sa kanya pagkatapos niyang magka-baby.

Natupad na niya ang pangarap magka-baby at pinapatunayan niyang maging ina dahil proven na ang pagiging aktres at box-office star niya.

Mag-focus na lang tayo sa pelikula kung ano ang ipinagkaiba nito sa ibang indie film, dahil first directorial job ito ni Fifth Solomon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results