Paghirang kay Nora Aunor bilang National Artist, nakasalalay kay Pangulong Duterte

by PEP Troika
Sep 14, 2018

NOEL FERRER: Natutuwa ako nang i-post na ng King of Revivals na si Jojo Mendrez na kumpirmado na ang pagdalo ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang birthday concert sa October 5, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Magandang handugan ni Jojo ng hit revival niyang “Handog” ang Superstar na may pareho ring anthem.

Speaking of Ate Guy, sana by the time she appears in Jojo’s concert ay naproklama na siyang National Artist!

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Habang totoo ang nasagap mong balita, KaTroikang Gorgy, na pasok sa listahan ng Pambansang Alagad Ng Sining si Kidlat Tahimik, may reliable source din akong nagsabing hindi na kinailangang i-deliberate pa si Nora Aunor at automatic na ring isinumite ang endorsement ng komite para pagtibayin ng ating Presidente.

Ngayon, everything rests on the President’s decision.

Hintayin na lang natin kung matutuloy na ang pagiging Natonal Artist ni Ate Guy na dapat noong panahon pa ni PNoy naigawad.

Oh well, Jojo’s intro of Ate Guy in his concert should rightfully be "The People’s National Artist—Nora Calbatera Villamayor o mas kilala bilang Nag-iisang Superstar—Nora Aunor!"

JERRY OLEA: Ipagbubunyi ng super-Noranians ang pagiging special guest ni Nora sa concert ng Revival King.

Lumalaban sa ratings ang teleseryeng Onanay kung saan isa sa mga bida si Nora, kaya maningning muli ang kanyang bituin.

GORGY RULA: Sana nga matuloy na ang paghirang kay Ate Guy bilang National Artist, dahil hopiang-hopia na diyan ang Noranians.

Continue reading below ↓

Ang sabi naman ng ibang source natin, kung sakaling si Nora ang piliin ni President Duterte, hindi naman daw kokontrahin ng mga taga-National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Kaya dapat mayroon talagang magpu-push na kay Ate Guy ito ibigay.

Pero priority ba ito ngayon ng ating Pangulo?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results