Aljur Abrenica at Kylie Padilla, di totoong ikinasal na sa Bataan

by PEP Troika
Sep 14, 2018

GORGY RULA: Isang reliable source ang nagbigay ng tip sa PEP Troika na nagpakasal na raw sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa Bataan kahapon, September 13.

 IMAGE Instagram

Sinagot naman kami ng taga-GMA Artist Center na hindi totoo yun.

Nasa bahay lang daw si Kylie dahil kailangan niyang magpahinga para sa taping ng Victor Magtanggol kinabukasan.

Continue reading below ↓

Kaya kinulit namin ang aming source, kinorek niya ang text sa amin.

Inaayos na raw pala ang kasalan na gagawin daw sa November.

“Iyon ang medyo tama. Ang alam kasi namin, may engagement party before the wedding,” text sa amin ng handler ni Kylie.

Kaya hintayin na lang daw ang official announcement kung sa November na nga ba ang kasalan at kung sa isang resort nga ba sa Bataan gaganapin.

Hindi kaya itataon na nila sa kaarawan ni Robin Padilla sa November 23?

NOEL FERRER: Pabalik pa lang si Vin Abrenica from his US Tour kasama si Maja Salvador, so sayang naman kung hindi siya nakapunta sa supposed wedding ng kuya niya kahapon.

Baka nga later date pa ang kasal.

May movie muna sina Vin at Alex Gonzaga na ipu-promote, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, na showing next week.

JERRY OLEA: Namanhikan noon ang pamilya ni Aljur kay Robin.

Continue reading below ↓

Hindi kailangang ilihim o madaliin ang kasal nina Aljur at Kylie.

Kung ano’t ano man, best wishes sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results